Kabanata 21: Imbitasyon

5 0 0
                                    

NICOLE AYESHA

UMAGA na at nakahilata pa rin ako sa kinahihigaan ko. Hindi maganda ang naging tono sa akin ni Nheia kagabi. Hindi ko nagustuhan ang tabas ng pananalita niya. Bakit ba siya ganoon? Did I do something wrong to make her feel bad like that?

    Tumayo ako at hinila iyong laptop sa gilid ko. Sa sobrang pagkaburyo ay naisipan kong maglaro na lang upang makapaglibang. As usual, I checked my message box if someone messaged me. Umaasa akong naka-online iyong lalaking nakalaro ko noon.

    [Wanna play again?]

    His name popped up on my screen. I'm smiling while typing my reply to him. [I would love to play with you]

    [Great! Break a leg, my heart!]

    Wala sa sarili akong natawa dahil sa sinabi niyang iyon. “Nababaliw na ba siya? Or he's just a funny one. Nakakaloka!”

    Nagsimula na ang laro namin. Gaya ng dati ay siya pa rin ang nakararami ng patay. Puro assist lang yata ang natatanggap ko. He is a good gamer. Napanghahalataang babad sa kompyuter ang lalaking 'to.

    Pasugod na 'ko nang bigla akong i-ambush ng kalaban. Todo iwas ako para hindi mamatay. Mayamaya pa'y dumating siya para i-cover ako kaso siya itong namatay at nakaligtas naman ako.

    [Why did you do that?] tanong ko sa chat box

    [I'm your shield, your knight and shining armor, my heart!]

    Napahagikgik ako ng wala sa oras. Nagkibit-balikat ako. I know he is just making fun of me. Nambobola lang siya at pinapaikot lang niya 'ko kunwari sa mga sweet words na binibitiwan niya. Hindi na 'ko magtataka. Karamihan sa mga lalaking gamers ngayon ay mga manloloko na rin.

    Natapos ang laro at kami ang panalo. In-expect ko na iyan na kami ang mananalo, sobrang taas ng lamang namin  kaysa sa kalaban. Hindi na 'ko magtataka, baka pro player talaga siya.

    Kinuha ko 'yong tumbler bottle sa side table ko at saka uminom ng tubig. Habang umiinom ay chineck ko ang message niya sa akin.

    [I may not be the best player but I promise to protect you...]

    Muntik ko nang iluwa iyong tubig sa loob ng bunganga ko dahil sa mga katagang iyon na nabasa ko. “Nasisiraan na ba siya?”

    [You might be crazy, LOL! Ang galing mo kayang maglaro! Pro player ka 'no?] I replied to his message.

    [Aminadong pro player pero hindi manloloko.]

    Umiling ako at natatawang nag-type ng sasabihin ko. [Asus! Bulok na 'yang mga salitang 'yan!]

    [Believe me!]

    Napabuntong-hininga ako. [Whatever! Bye, I've gotta go! Ingat.]

    Iyon na ang huli kong nireply sa kanya at saka isinara iyong laptop ko. Nagdesisyon akong bumaba na para kumain. Puro alalay pa rin ang paglalakad ko para hindi iyon masaktan o magkaroon ng implikasyon. Ayoko nang bumalik sa ospital, ano?

    Bago pa man ako makalabas ng kuwarto ay napahinto ako sa harap ng veranda. Salamin ang ilang bahagi ng bintana ko sa kuwarto kaya nakikita ko ang nangyayari malapit sa pool area at pagpasok ng gate. Napansin ko ang pagpasok niyong isang kotse sa loob, laking pagtataka ko kung sino iyon.

    Napaisip na lang ako na baka si Tito Alfred iyon at kararating lang galing sa tinatapos nilang project sa Cebu.

    Paglabas ko ng kuwarto ay hindi pa 'ko tuluyang bumaba ng hagdan. Pinagmasdan ko ang pagpasok ni Tito Alfred at saka ni Nheia. Tila may problema. Hindi maiguhit ng maayos ang mukha ni Nheia. Gulo-gulo ang buhok nito at tila nag-away pa yata iyong mag-ama.

Tales Of The Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon