Simula

121 14 0
                                    

    “I've never felt this way before, Nics.”

    Ako rin... Sa iyo ko lang din ito naramdaman...

    Mga salitang gustong paniwalaan ng puso at damdamin ko ngunit tila katawa-tawa lamang ito sa akin dahil alam kong imposibleng magkagusto siya sa akin nang ganoong kabilis.

    Umiling ako dahil sa sinabi niya sa akin. Hindi tama na isakripisyo ko ang pagmamahal ko sa alam kong ikasisira ng iba. “Hindi mo kailangang iparamdam sa aking mahal mo 'ko—”

    Nagsisinungaling ako... Mahal din kita!

    “Because I want to! 'Yon ang nararamdaman ng puso ko, Nicole! Kahit paulit-ulit mo pa akong ipagtabuyan, hindi ako aalis sa tabi mo!”

    This is the only way... to leave you...

    Natahimik ako sa sinabi niyang iyon. Sobrang sakit na marinig ang mga katagang iyon na galing sa kanya. Pinipiga ang puso ko. Nasasaktan din ako. Ngunit isang ngiti lamang ang ipinakita ko sa kanya. I know he's suffering too much in our situation but I can't give him the assurance to stay with him.

    “I-I'm sorry...” mahinang sambit ko sa harap niya.

    Gustuhin ko mang alisin ang pagkakahawak niya sa kamay ko ngunit pilit niyang hinihila at hinahawakan iyon ng mahigpit.

    “No! No, Nicole… there's no way to let me go! We can still fight for us, right? Please—No!”

    I have to let you go...

    “If you really love me…” Sandali akong napahinto. Tumingin ako sa kanyang kulay itim na mga mata. “You will choose what's the best for us. I am sorry…”

    Even if it's hurt...

   Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak nito at tinalikuran siya.

    “Nicole! Nicole!”

    Even if it's sucks a lot...

   Alam kong sa paghakbang kong ito palayo sa kanya ay hindi na magbabago ang naging desisyon ko.
 

    I have to this...

   Tuluyan ko nang ipauubaya sa tadhana ang kapalaran naming dalawa. At naniniwala akong… hindi talaga kami ang para sa isa't isa.

    For my sister's sake…

Tales Of The Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon