Kabanata 58: Rebelasyon

6 0 0
                                    

THANK YOU for gathering here tonight! This event is a time for you to celebrate and enjoy the Christmas of course. Thank you for those who stayed even at our lowest, lalo na't bumagsak ang kumpanya namin at ngayon ay unti-unti nang bumabangon muli. I owe this one for our humble and loyal business partners, Niña and Alfred Marchessa. Without you two, this success wouldn't be possible,” pagtatalumpati ni Mrs. Georgina.

    Ganyan ba talaga siya kadesperada? Gagawin niya ang lahat makuha lang ang awa ng nakararami? What a joke!

    “What a liar!” sambit ko sa sarili ko ngunit sa tingin ko ay narinig nina Nheia, Faye at Grant na sinabi ko iyon.

    Nang pansinin ko naman si mama at si Tito Alfred ay ngiting-ngiti at paniwalang-paniwala naman sila sa pinagsasasabi nitong si Mrs. Georgina. Ngingiti pa kaya si mama kapag nalaman niyang si Mrs. Georgina ang kasabwat sa pagkamatay ni papa?

    “To my family who become my strength, my husband Duke, to my eldest Dein Alice, my two sons Dhan Axl and Dant Aquios, I love you so much guys! And to everyone, we hope that you all have a fantastic evening and wish you the very best for the future! Just enjoy the night!” Itinaas ni Mrs. Georgina ang kanyang baso at ininom iyon.

    Napa-irap na lang ako sa kawalan at saka tumayo.

    “Where are you going?” tanong ni Grant.

    “Washroom...” simpleng sagot ko at saka naglakad na papuntang washroom.

    Hindi ko kinakaya ang kaplastikan ng babaing 'yon sa harap ng maraming tao. Paano siya nakakangiti ng ganoon sa likod ng masama niyang ugali? Manloloko na nga, mamamatay tao pa!

    Habang nagre-retouch ng aking makeup sa loob ng washroom, may mga narinig akong yapak mula sa labas. Napahinto ako sa paglagay ng lipstick. Ibinalik ko na ang mga gamit ko sa bag ganoon din ang pagkakasuot ko sa maskara ko. Lumabas ako ng washroom at nadatnan ang tatlong kalalakihan na nag-uusap hindi kalayuan sa gawi ko. Nanatili akong nakatago sa pader at pinakinggan ang usapan nila.

    “Masyado pang maaga para maningil, hayaan muna natin silang magsaya at magparty-party sa loob, bossing!” sambit niyong isang lalaking naninigarilyo.

    “May kakaiba akong nararamdaman na hindi maganda,” tugon niyong boss nila kuno.

    “Parang wala ka namang tiwala kay madam Georgina. Maghintay lang tayo, ibibigay niya rin 'yong isang bilyon,” sabi naman niyong isa pa.

    Hindi ako nagkakamali, sila ang The Aces na tinutukoy ni Grant. Narito nga sila para kay Mrs. Georgina, kapagkuwan isang malaking gulo ang mangyayari ngayong gabi.

    Sinubukan kong pumuslit palayo sa washroom para sana bumalik na sa hall.

    “Miss!”

    Napahinto ako sa paglakad nang marinig kong tawagin ako ng isa sa kanila. Hindi ako nagdalawang-isip na harapin sila.

    Malinaw kong natatandaan, sila 'yong pumatay sa papa ko. Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Kailangan kong kumalma, hindi ito ang tamang oras para makipag-away.

    “May narinig ka ba?” tanong niyong boss nila, si Vince. Siya si Vince Ocampo, ang lider ng The Aces.

    “Narinig na ano?” patay malisyang tugon ko sa kanya.

    “Nevermind. By the way, papunta kasi kami sa party,” aniya at sandaling huminto. Lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. “Please lead us the way, darling,” mahinang bulong niya sabay halik sa ibaba ng tainga ko.

Tales Of The Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon