PUMASOK ang isang doktor at mga kasamahan nitong nars. Inalalayan nila sa pagtayo iyong nasuntok kong lalaki at iniupo sa couch nang maayos.
Hindi ko naman akalaing hihimatayin siya dahil lamang doon. Such a weak guy!
Napa-awang na lang ang bibig ko nang mapagtanto ko kung sino ang lalaking iyon. Pinagmamasdan ko ito habang ginagamot ng mga nars. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya.
Kumunot ang noo ko nang matandaan ko kung saan ko siya nakita.
[Flashback]
“Here...” walang emosyong sambit ko sabay bigay niyong coat.
Sandali itong natigilan at tinitigan lamang ako. “Ano 'yan?”
Sinamaan ko ito ng tingin at isinuot iyong coat sa likod niya. “Coat. Obvious na nga, 'di ba? Magtatanong ka pa!”
[End of flashback]
Napairap na lang ako sa kawalan nang maalala ko kung ano iyong mga nangyari sa airport. Hindi ako nagkamali, siya nga iyong lalaking nakilala ko sa airport. Ang galing din naman ng tadhana, ano? Dito pa talaga kami magkikita? Ang masaklap pa riyan, nasuntok ko pa siya. Ano ba kasing ginagawa niya sa kuwarto ko?
“A-Ano bang nangyari dito?” naguguluhang tanong niyong doktor. Babae siya, maganda at bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
“Hi-Hindi ko alam kung anong ginagawa niya sa kuwarto ko! Na-Nadatnan ko lang siyang nakatayo sa tapat ng banyo, eh...” nauutal na sagot ko. Sakto namang kapapasok lang ni Faye. Hindi nito alam ang nangyayari pero sa reaksyon nito ay parang kilala niya iyong lalaki at iyong babaeng doktor.
“Then? What did you do? Bakit naman nahimatay si Axl?” tanong ni Faye sabay lapit sa doktor.
Napalunok ako ng ilang beses. Nag-iwas ako ng tingin. Nakakahiya naman siguro kung sasabihin ko ng diretsahan, ano? Eh, sa gano'n talaga ang nangyari. Nagulat lang ako!
“Nics... don't tell me you punched him?”
Bumuntong-hininga ako. “Oo na, sinuntok ko siya! Eh, sa ginulat niya 'ko?! Kasalanan ko pa ba iyon?!” pagtatanggol ko sa sarili ko.
Nasapo ni Faye iyong noo niya dahil sa sagot kong iyon. “Hindi mo dapat ginawa 'yon...” sambit nito at saka ibinaling ang atensyon doon sa lalaking nagngangalang Axl.
Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay. Ginagamot ang pasa malapit sa mata niya. Hindi ko naman talaga akalaing lalaki iyon, eh. Nadala lang din ako ng emosyon ko.
Nakaupo lang ako sa hospital bed ko habang pinapanood ko kung paano nila gamutin iyong lalaking iyon. Basta, I don't want to say his name. Ngayon ko lang din nalaman na kapatid ni Doctor Fabellar ang lalaking nasuntok ko. Humingi na rin ako ng pasensya.
“Ganyan ba talaga kabigat 'yang kamao mo para mapatumba mo si Axl, ha?” hindi makapaniwalang ani Faye sa gilid ko.
“Look, I didn't mean to hurt him. Nadala lang din ako ng emosyon ko. Ni hindi ko nga alam kung anong ginagawa niya sa tapat ng banyo.”
“Kahit na... hindi mo man lang ba naisip ang salitang 'maghunos dili'?”
Inirapan ko ito ng tingin. “Palit kaya tayo ng posisyon tapos i-rewind natin iyong nangyari? Tingnan natin kung makakapag-isip ka pa ng tama kapag nagulat ka na!”
“Eh, 'di ikaw na po!” Nagtaas ito ng dalawang kamay. “Awat na! Hindi naman ako papalag, eh!”
Wala sa sarili akong napangiti ng bahagya dahil sa inasta ni Faye. Kahit papaano ay nawala ang tensyon na nararamdaman ko. Kahit papaano ay naging okay ako. Pero iniisip ko 'yong asungot na nawalan ng malay. Nakakainis kasi!
BINABASA MO ANG
Tales Of The Heart [COMPLETED]
Storie d'amoreFormer Title: My Secret Heart Hindi akalaing magiging misteryoso ang buhay ng dalagang si Nicole Ayesha Arcueda nang pumanaw ang kanyang minamahal na ama. Noon pa man ay papa's girl na ito kung ituring ng kanyang ina. Hindi maipinta ang galit sa pus...