“TA-TAMA. Always make the decision na alam mong hindi mo pagsisisihan sa buong buhay mo. Maging malaya ka sa pagpili ng taong mamahalin mo at mamahalin ka rin,” sabi naman ni Nheia.
Hindi ko inaasahang sasabihin niya ang mga katagang iyon sa harap ko. Bakit ba siya nagpapakabait? Dahil ba may nagawa siyang mali? Pwes, sisihain niya ang sarili niya kung bakit nagkakagulo ang lahat ngayon.
“Excuse me, nawalan ako ng gana,” walang ganang paalam ko. Inalis ko 'yong napkin na nakapatong sa hita ko at saka tumayo na.
“Anak, hindi mo pa nababawasan ang pagkain mo,” rinig kong sambit ni mama na animoy pipigilan ako.
“Hayaan mo na ang bata, baka pagod lang siya,” pagpigil ni Tito Alfred kay mama.
Nagtungo ako sa veranda ng kuwarto ko at doon na lamang namalagi. As usual, binuksan ko ang laptop ko at nag-play ng music para kahit papaano ay kumalma ako. Isinandal ko ang likod ko sa kinauupuan ko at saka pumikit. Napabuntung-hininga pa ako.
Ramdam ko ang pagod na dumadaloy sa buong katawan ko. Hindi lang 'to basta pagod na nararamdaman ko sa panlabas na kaanyuan ng katauhan ko. I am also tired mentally and emotionally. Hindi ko na alam ang susunod ko pang gagawin kapag lumaki ang problema.
Ipinatong ko ang mga braso ko sa hita at sandaling yumuko. Mayamaya pa ay bigla na lang tumunog ang cellphone ko kaya agad din akong nag-angat ng tingin.
“Hello?” sabi ko sa kabilang linya nang sagutin ang tawag ni Grant. “Ku-Kumusta ka? I-I mean... wala bang nangyaring masama sa iyo kanina? Naka-uwi ka ba ng maayos?”
“Don't worry, I'm good. Hindi ako umuwi sa condo dahil binabalak kong mag-stay muna sa family house kasama ang pamilya ko.”
Nakahinga ako ng maluwag nang marinig mula sa kanya na nasa maayos siyang kalagayan. “Good to hear that.”
“Tungkol sa tatlong sasakyan na sumunod sa inyo kanina, sa tingin ko hindi basta coincidence 'yon.”
“What do you mean by that?” nakakunot-noong tanong ko sa kanya.
“Nang malaman nila na ibang sasakyan na ang sinusundan nila, nagbago agad sila ng ruta. I have my free time so I decided to follow them. And I found out that... nagpunta sila sa kumpanya ng mga Fabellar.”
“Wait, what? A-Anong hitsura nila? Nakita mo ba?” Nagtatakantalaga ako.
“Oo. Parang mga business man din ang datingan nila at may mga suot na alahas.”
“Isa lang ang ibig sabihin nito, kilala ni Miss Georgina at Mr. Duke ang mga lalaking 'yon. Pero naguguluhan pa rin ako, Grant, bakit nila kami hinahabol ni Faye kanina?”
“Hindi ko alam. Kailangan nating nalaman ang tungkol diyan. Sa ngayon, maging mapagmatyag ka lang. Huwag kang mag-alala, kahit Fabellar ako, tutulungan kita dahil naaalarma ako sa kaligtasan mo.”
Sandali akong napahinto nang marinig ko ang mga salitang huli niyang binanggit. At muli na naman niyang pinatunayan sa akin na may paninindigan siya sa mga sinabi niya sa akin noon.
You dont know how I thankful I am, Grant. Sana kahit sa maliit na bagay, maibalik ko ang kabutihang ipinaparamdan mo sa akin.
“At isa pa pala, Nicole, wala ka bang ibang kilala na business partner ng kumpanya niyo?”
Napa-isip ako sa itinanong niya. “Hhmm... bukod sa Fabellar Group of Companies, wala na, Grant. Pero gusto ko ring malaman, if ever na mayroon nga silang ibang mga partner sa kumpanya.”
BINABASA MO ANG
Tales Of The Heart [COMPLETED]
RomanceFormer Title: My Secret Heart Hindi akalaing magiging misteryoso ang buhay ng dalagang si Nicole Ayesha Arcueda nang pumanaw ang kanyang minamahal na ama. Noon pa man ay papa's girl na ito kung ituring ng kanyang ina. Hindi maipinta ang galit sa pus...