Kabanata 16: Kalituhan I

6 0 0
                                    

DHAN AXL

KANINA pa 'ko naghihintay kay Aqi para lumabas ito ng ospital. Nasa kotse ako, ilang minuto na 'kong nababagot. Sinamahan ko ito kanina upang bumili ng bulaklak para kay Nicole. Hanggang dito ba naman ay gusto niya pang ako ang maghatid sa kanya para daw makasiguro ito.

    Ewan ko na lang kung magugustuhan niya ang ugali niyong si Nicole. Naalala ko noong unang nagkita kami ng babaeng 'yon, hindi ko na gusto ang tabas ng pananalita niya. Nakahanap nga talaga ako ng katapat ko. We're pretty similar.

    Sumandal na 'ko sa kinauupuan ko nang makita kong paparating na si Aqi. Hindi na maiguhit ang hitsura nito. Kaya wala sa sarili akong napahagikgik sa loob ng kotse. Binuksan niya ang pinto at inis na isinara iyon nang makaupo siya.

    "So... How's Nicole?" Nilingon ko ito sa gilid ng nakakaloko.

    Nakakunot ang noo niya. "Ang pangit niya ka-vibes, 'no? Wala na siyang ginawa kundi sagarin ako sa sobrang inis."

    Napahagikgik na lang ako. "Sabi ko naman sa iyo, huwag ka nang magtangkang magpakita sa kanya. Hayan, nagpumilit ka pa kasi. Anong napala mo? Hahaha!"

    Umiling na lang ito bilang sagot sa sinabi ko.

    Alam kong sa una lang naman ganoon si Nicole. Sa likod ng mga nakikita kong pagsusungit niya sa akin, may nakatago roong ngiti. Masayahin naman talaga siya. May mga bagay lang siguro na kailangan niyang alamin para maging maayos ang lahat sa kanya.

    Paaandarin ko na sana iyong kotse ko nang biglang may tumawag sa phone ko.

    "Who's that?" nakakunot-noong tanong ni Aqi habang inaayos ang seatbelt niya.

    "It's Nheia..."

    "Bakit 'di mo sagutin? She's your soon-to-be girlfriend, right?"

    Ibinalik ko ang tingin sa screen ng phone ko. Tumatawag siya. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba ito o hindi. Nitong mga nakaraang araw tila nanlalamig ako. Hindi ko lang alam kung napapansin iyon ni ate Dein at ni Aqi.

    "Hello?" sambit ko sa kabilang linya.

    "Axl? Axl... I'll be at your condo later, okay? I wanna see you there..."

    Sandali akong napapikit ng mariin. "Ha?"

    "Anong ha? Axl... nakalimutan mo na naman ba? It's our monthsary today!"

    Hindi ko maalalang niligawan ko si Nheia. She's always like that. Lagi niyang ine-expect na kaming dalawa na. Ayoko naman masaktan 'tong babaeng 'to. Simula pa lang ay wala na 'kong nararamdaman sa kanya.

    "Happy monthsary, sweetie! Hahahah!" pabulong na bigkas ni Aqi sa gilid ko.

    Pinaningkitan ko ito ng tingin.

    "I-I'm sorry... marami kasi akong ginagawa. I-I can't make it today..." Sinusubukan kong magpalusot ngunit sa tingin ko ay hindi yata tatalab iyon.

    "So, you're telling me that you're busy? Again?!"

    "Nheia kasi-"

    "What?! Ano pang ibang idadahilan mo? Busy ka? Lagi ka na lang busy... busy... busy! Bahala ka sa buhay mo!"

    "Nheia-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang babaan niya ako ng linya.

    Humarap sa akin si Aqi na siya namang ipinagtaka ko. "Kuya, tapatin mo nga ako. Ang lahat ng sasabihin mo ay pawang katotohanan lamang, ah?!"

Tales Of The Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon