Chapter 32
"Where are you, Blair?" Tanong ni Mariana mula sa kabilang linya.
I groaned. "Where else would I be at eight in the morning?" sarkastiko kong tugon. Paano ba naman kasi, walang tigil na katutunog ang cellphone ko kaya napilitan akong sagutin iyon. Imbis na natutulog pa ako, kausap ko 'tong si Mariana.
"Oh come on, Blair. Get your ass up right now."
"Why would I? It's a Saturday for fuck's sake." Inis kong bulalas. "Let me rest in peace."
"You say that as if you're dead," she joked.
"You would be if you don't stop pestering me."
She chuckled. "Have you forgotten?"
"Forgotten what?" I mumbled, placing my arm against my eyes.
"We promised to hang out today!"
"But I didn't agree to it being at eight in the fucking morning!"
"You sure are a morning person."
"Oh shut up."
I heard her chuckle for the second time.
Komedyante siguro ang tingin sa 'kin nitong ni Mariana. Wala siyang ginawa kun'di tawanan ang lahat ng sasabihin ko.
"But seriously, get up and pack clothes good for one night! I'll pick you up in twenty. See you!"
Hindi ko na nagawa pang mag-tanong nang bigla niyang ibaba ang tawag. Kunot-noo naman akong napatingin sa cellphone ko, pinoproseso parin ang sinabi niya.
Pack clothes good for one night?
Wala naman kaming usapan na mag-oovernight ako sa kanila? I just remember her forcing me to hang out with her ilang araw na ang nakalipas. Maski iyong gagawin at pupuntahan nga namin ay wala akong ka-ide-ideya.
Gano'n kasi si Mariana minsan. Bigla-bigla nalang magpapakita sa bahay namin tapos kakaladkarin ako para samahan siya.
Kabute talaga siya.
Hindi ko alam kung ano'ng trip ni Mariana pero sumunod nalang ako. Nag-empake ako ng mga damit tulad ng sinabi niya. Simple lang iyong suot ko pero sinamahan ko nalang rin ng aviator sunglasses ko. Mamaya dalhin pa ako neto ni Mariana sa taas ng bundok. Who knows.
Kilala na ng magulang ko si Mariana dahil tulad nga ng sabi ko ay parang kabute iyon na pasulpot-sulpot sa bahay ko. Kaya noong nag-paalam ako kay Mama ay pumayag siya agad kahit hindi niya pa alam ang detalye ng lakad ko.
"I think I'll be staying at Mariana's tonight."
"Okay," Mama said, shrugging. "Have fun."
Pero noong nasa Pilipinas pa kami, sobrang istrikto niya.
"Do you need a ride to Mariana's?" Mama asked.
"Nah," I answered. "She'll be picking me up."
Dumiretso na ako sa labas ng bahay dahil nag-text sa 'kin si Mariana five minutes ago na malapit na daw siya. Dito ko nalang siya aabangan sa labas.
Napahikab ako habang pinagmamasdan ang kapaligiran.
Akala ko ba malapit na. Asan na ang babaeng iyon?
Tatawagan ko palang sana si Mariana nang maaninang ko na ang kotse niyang papalapit. Tuluyan nang tumigil ang kotse sa harapan ko kaya nag-lakad na ako palapit dito.
Didiretso na sana ako sa passenger seat nang bumaba ang bintana nito. Sumalubong sa 'kin si Mariana na nakangiti.
My forehead creased.
BINABASA MO ANG
Before Reality Knocks (DLC Series #1)
Ficção GeralDe la Cerda Series #1 Rebellious seventeen-year-old Blair Ruby de la Cerda is unwilling to accept the strict regime of her parents, inducing her to misbehave. However, it won't be long before her freedom meets its limit, and when it does, she knows...