Chapter 19
"The real question is: ligtas ba kayo sa 'kin?" I asked as a cheshire grin crept to my lips.
Marcus snorted. "Babae ka lang. Lalaki kami."
I feigned shock; placing my hand against my mouth. "My, my, sexist, aren't we?"
"Tatlo kami. Isa ka lang." He continued.
I snorted. Lumipat iyong tingin ko sa babae at napansing nakaupo ito sa lupa habang tahimik na umiiyak. Binalik ko iyong tingin ko kay Marcus at napansing nagkatinginan sila nung dalawa niya pang kasama. Bigla silang nagtanguan.
Napakurap ako nang maglakad patungo sa direksyon ko iyong dalawang lalaki. Hinawakan nila ako sa magkabila kong braso.
"'Sensya na Blair, nag-feeling hero ka pa kasi eh," kaswal na sabi ni Marcus bago nagkibit-balikat.
"Ano'ng balak niyong gawin sa'kin?" kalmado kong tanong dito.
Ngumiti si Marcus. "Secret."
I arched an eyebrow. Binalingan ko ng tingin iyong dalawang lalaki na nakahawak parin sa 'kin.
"I'll give you both three seconds to get your filthy hands off of me," walang emosyon kong wika sa mga ito. "One."
The man on my left snorted. "Paano kung hindi namin ginawa? It's not like you can beat us up."
Tumaas ang sulok ng labi ko. "Two."
"Three," sabi nung nasa kanan ko bago tumawa. "Oh ayan na. Ako na ang nag-tapos."
Biglang nawala iyong kapit nilang dalawa sa 'kin. Nakarinig ako ng dalawang mabigat na bagay na bumagsak sa lupa. Nakita ko naman si Marcus na nasa harapan ko na nanlalaki iyong mga mata habang nakatingin sa bandang likod ko.
Tatakbo pa sana siya palayo nang maging siya ay nawalan na ng malay.
I clicked my tongue. "Binigyan ko na nga ng pagkakataon, sinayang lang."
"Ma'am Blair, ayos lang po kayo?" Rinig kong tanong ng isang baritonong boses. Napalingon ako at nakita si Kuya Mykel na seryoso lang ang hitsura. Nasa tabi niya naman si Kuya Troy na walang kahirap-hirap na sinampa iyong dalawang lalaki sa balikat niya na parang mga sako.
May perks nga talaga siguro ang pagkakaroon ng bodyguards.
I nodded. "Ano iyong tinurok niyo sa kanila?"
"Tranquilizer," sagot nito.
Hindi na ako sumagot at nilingon nalang iyong babae na litong-lito habang nakatingin sa'kin at kina Kuya Mykel at Kuya Troy sa likod ko.
Humakbang ako palapit sa kanya at humalukipkip.
"Tayo," utos ko dito.
Nung una ay hindi pa ito gumalaw kaya sinamaan ko ito ng tingin. Para naman itong natauhan at dali-daling tumayo. Napatungo ito.
"Name?"
"P-po?" Napaangat siya ng tingin ngunit agad ding umiwas ng tingin nang makitang nakatingin ako.
I clicked my tongue. "Pangalan. Ayan tinagalog ko na ha."
She bit her trembling lips. "P-Pami."
I nodded. "Okay Pami. Ganito. Wala kang pagsasabihan ng nangyari ngayon kung ayaw mong huntingin kita. Maliwanag?"
Dali-dali naman siyang napatango.
"Good," sabi ko. Mabilis naman pala 'tong kausap. Hindi kasi pwedeng malaman ng kahit sino iyong tungkol sa mga bodyguards ko dahil malamang ay mag-tataka sila kung bakit may PSG ako.
BINABASA MO ANG
Before Reality Knocks (DLC Series #1)
General FictionDe la Cerda Series #1 Rebellious seventeen-year-old Blair Ruby de la Cerda is unwilling to accept the strict regime of her parents, inducing her to misbehave. However, it won't be long before her freedom meets its limit, and when it does, she knows...