Chapter 50
"Ano?!" Gulat kong bulalas.
"Keep it down, Blair," mahinang giit ni Asteria nang mapansin na may iilang mga napatingin sa 'min dahil sa pag-sigaw ko. But I didn't care, I was furious!
"Are you serious?" hindi parin makapaniwala kong tanong.
Asteria weakly nodded. "Unfortunately..."
Kumuyom ang mga kamao ko. Napailing nalang ako at napasandal sa inuupuan. Inis kong kinuha ang tubig at chinug iyon. Matapos ubusin ay naihagis ko iyon dala ng pagkainis.
"Blair!" suway ni Asteria nang makita ang pag-basag ng baso.
"Excuse me―" biglang pag-lapit ng isang waitress.
"I'll pay for it," walang kagatol-gatol kong sagot, hindi na nag-abalang lingunin siya.
"We'll pay for all damages," sabi naman ni Asteria sa babae. "Was anyone injured?"
Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong umiling ang waitress.
Asteria nodded. "Okay, just send us the tab and we'll pay―"
Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Narinig ko pa ang pag-tawag sa 'kin ni Asteria ngunit hindi ko iyon pinansin. Sumakay na ako ng kotse ko at nag-drive papunta sa address na binanggit niya kanina.
Pag-dating ko roon ay sumalubong sa 'kin ang puting gusali. May iilan ring mga tao dito at lahat sila ay naka-itim na damit.
Pumasok na ako at lumapit sa isang TV na nakita ko. Hinanap ko ang pangalan niya mula sa listahan roon. Nang makita ko ang kanyang pangalan ay muling sumiklab ang galit na nararamdaman ko.
Taas-noo akong pumasok sa silid.
"Blair?" nanlalaking mga mata na wika ni Scarlet. Sakto kasing palabas siya ng silid kaya nagkasalubong kami.
"Scarlet, bakit ngayon niyo lang ipinaalam sa 'kin?" pigil-inis kong tanong rito.
"Because we know you'd act this way." Pag-buntong hininga niya. "We didn't want to deliberately keep this from you. We just wanted to wait for some time before letting you know about it."
"May magbabago ba pag huli niyo pang ipinaalam sa 'kin?" giit ko. "Hindi naman mabubuhay si Pami, 'di ba?"
Pami... siya iyong pinsan ni Scarlet na niligtas ko noong retreat namin.
Scarlet shook her head. "Hindi sa gano'n... invited kasi iyong buong batch niya noong high school kaya..." ibinaling niya ang kanyang atensyon sa isang direksyon. Sinundan ko iyon ng tingin at natigilan nang matanaw kung sino ang naroroon.
Wow. Ang kapal nilang umattend dito gayong sila naman ang may kasalanan kung bakit namatay si Pami!
Hindi ko na napigilang mapa-mura.
"What the fu―" Hinawakan niya ako sa braso bago siya umiling.
"Stop cussing, Blair," she whispered, gritting her teeth.
Pinaikot ko ang aking mga mata bago ko iwinaksi ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Dumiretso ako sa gilid kung saan nakalagay ang iilang mga bulaklak na dinala ng mga bisita. Napangisi ako sa naisip.
Kumuha ako ng iilang mga puting bulaklak bago iyon pinagsama lahat. Tinali ko iyon gamit ang panali na palihim kong kinuha mula kay Scarlet. Satisfied, my lips rose to a smirk.
Pumunta ako kung saan may mga nagkukumpulan na mga babae at tumayo ilang pulgada lamang ang layo mula sa kanila. They didn't notice me since they were too preoccupied with their conversation.
BINABASA MO ANG
Before Reality Knocks (DLC Series #1)
General FictionDe la Cerda Series #1 Rebellious seventeen-year-old Blair Ruby de la Cerda is unwilling to accept the strict regime of her parents, inducing her to misbehave. However, it won't be long before her freedom meets its limit, and when it does, she knows...