Chapter 2
"Pero teka nga, Mr. President, bakit nandito ka eh class hours na?" Biglang nanlaki iyong mata ko at gumuhit ang isang ngisi sa labi ko. "Teka, huwag mong sabihin na nag-cucutting ka? Bad boy!"
He shook his head. "I'm here to read constitutional books."
I automatically grimaced.
Nerd.
"Swerte ka parte ka ng student council. Pwede mo iyon gawing rason para mag-cut o, in your case, mag-basa ng constitutional books. Puwede kang makatakas sa mga responsibilidad mo nang hindi ka paghihinalaan." I snorted.
"Bakit? Nakakatakas ka din naman sa gulo mo ah?" He innocently stated.
I eyed him.
Mukhang naasiwa siya sa titig ko kaya napaiwas siya ng tingin bago inayos iyong salamin niya.
"Sige na, mag-enjoy ka na sa pagbabasa mo ng mga law books mo." I teased before turning around. Binalik ko na iyong hawak kong libro sa shelf.
"Ano pala ang ginagawa mo dito?" Napalingon ako sa kanya nang tanungin niya ito. Bigla ulit siyang napaiwas ng tingin nang magsalubong ang mga mata namin. "Maybe I could be of help.."
I pressed my lips into a firm line.
Mukhang mas maganda ngang tanggapin ko iyong tulong niya. Hindi ko pa naman alam kung ano ang hitsura nung libro na pinapahanap saakin ni Kuya Sandro.
Dali-dali akong lumapit kay Faustian. Napataas ako ng isang kilay nang umatras naman siya. Umabante ulit ako at umatras lang ulit siya.
Hindi ko alam kung dapat ba akong ma-offend o ano, e.
I decided to shrug it off.
Kinuha ko ang cellphone ko at pinakita iyong text sa kanya.
"Meron ba n'yan dito?" I asked.
He looked at me. When he saw me looking at him, binalik niya iyong tingin niya sa cellphone ko. He cleared his throat and took a step back before nodding.
"Dyan ka lang." Sabi niya bago umalis.
At dahil masunurin akong bata, sinundan ko siya.
Bigla siyang tumigil sa paglalakad kaya naman nauntog ako sa likod niya. Nakaramdam ako ng pananakit sa ilong ko pero hindi ko iyon pinansin.
In fairness, his back is firm as a rock.
Nag-wowork out kaya 'to?
He turned around and sighed.
"I told you to stay put," he said, frowning.
I smirked. "Tell me, Mr. President, kailan pa ako sumunod sa mga utos?"
He sighed again. He shook his head and muttered something under his breath.
Nag-simula na siyang maglakad kaya sinundan ko ulit siya. Tumigil siya sa harap ng isang computer at nagsimulang mag type doon.
Luh. Gago ba 'to?
Pinapahanap ko iyong libro tapos nag-computer lang?
Aawayin ko na sana siya nang masilip ko iyong ginagawa niya. Ahh. Hinahanap niya pala sa database ng library iyong libro. Nung sinearch niya iyong pangalan ng libro, lumabas kung saan iyong location nung libro.
Mas lalo akong dumikit para mabasa iyong nakasulat. Napapitlag naman si Faustian at lumayo.
Kanina pa 'to ah. Konting dikit lang namin, awtomatiko siyang lumalayo. Akala mo naman may nakakahawa akong sakit.
BINABASA MO ANG
Before Reality Knocks (DLC Series #1)
General FictionDe la Cerda Series #1 Rebellious seventeen-year-old Blair Ruby de la Cerda is unwilling to accept the strict regime of her parents, inducing her to misbehave. However, it won't be long before her freedom meets its limit, and when it does, she knows...