Chapter 30
"Blair?"
Napapitlag ako nang maramdaman kong may humawak sa braso ko.
Kumunot iyong noo ni Mariana. "Are you okay?"
Napansin kong nakatingin silang apat sa 'kin. Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti pero sa palagay ko ay nagmukha lamang iyon na ngiwi.
"Yeah, I'm fine," sagot ko bago tumango. "J-just shocked."
"Me too," sagot ni Mariana bago napa-buntong hininga. "This is the first time this has happened here."
Sinubukan kong kumalma ngunit masyadong mabilis iyong tibok ng puso ko. Para ding iniipit iyong lalamunan ko at hindi ako makahinga ng maayos.
My legs were feeling wobbly. I held Mariana's arm to keep myself up.
"H-hey Mariana," I swallowed the lump in my throat. "Since classes are canceled, I'll be going home now." I squeezed her arm. "I'll see you around."
Hindi ko na hinintay pa iyong magiging sagot niya. Dali-dali akong tumalikod at mabilis na nag-lakad palayo.
Kung totoo ang hinala ko, ibig sabihin may balak talaga na magpahamak sa 'kin. Kung sino man iyon, gano'n ba kalala ang galit niya sa 'kin na handa siyang magkasala?
Si Alnea ba iyon?
Pero kung siya nga, paanong nagawa niya iyon mag-isa?
Unless humingi siya ng tulong sa kapatid niyang si Aeros. Hindi naman imposible iyon dahil noong nakaraan nga ay humingi narin siya ng tulong sa lalaking iyon. Tapos iyong naging usapan pa nila Aeros at Jamarius, sinabi ng huli na si Aeros iyong may kasalanan kung bakit naospital iyong Rollo.
Kung talagang pakana nila iyon, delikado pala talaga sila.
Iyong ginagawa ko, hindi naman umaabot sa patayan. But in their case, why do they seem ready to cross that line?
Or is it because they've already crossed that line a long time ago?
After a few days, classes resumed as if nothing happened. Iyong ibang tao, wala namang pakialam sa nangyari dahil hindi naman nila kilala o close iyong namatay. Gano'n rin sana ako, ngunit naging balisa ako dahil sa mga bagay na bumabagabag sa isip ko.
"You okay, Blair? You seem very out of it all day today."
"Oh," napakurap ako. "Yeah. I'm okay."
I'm not okay.
Masyado akong paranoid. I keep checking my surroundings to see if there are suspicious people around. Nanaginip pa naman ako kagabi na may humablot sa 'kin tapos nilock ako sa isang kwarto.
Is this some sort of punishment for how I behaved in the past?
Magkakaroon daw ng funeral para sa estudyanteng namatay at ineenganyo ng school namin na umattend kami doon. Ayos lang naman din raw kung hindi dahil hindi naman porket schoolmate namin iyong namatay ay required na kaming puntahan ang libing niya.
Wala sana akong balak pumunta pero kinakain ako ng konsensya ko. Pakiramdam ko ay dapat ako iyong nandoon at hindi iyong inosenteng estudyante na iyon.
Suot ang purong itim na kadamitan ay dumiretso ako sa funeral ng namatay na estudyante. Nagsuot narin ako ng cap at shades para wala masyadong makakilala sa 'kin.
Hindi gaano kadaming tao ang nandoon. Mayroon ring grupo ng mga tao doon sa harap na sa palagay ko ay ang pamilya ng biktima.
Ngayon ko lang din nalaman ang pangalan ng estudyanteng namatay.
BINABASA MO ANG
Before Reality Knocks (DLC Series #1)
General FictionDe la Cerda Series #1 Rebellious seventeen-year-old Blair Ruby de la Cerda is unwilling to accept the strict regime of her parents, inducing her to misbehave. However, it won't be long before her freedom meets its limit, and when it does, she knows...