a/n: just want to take the time to say i appreciate all of you! i read comments from time to time and natutuwa ako makita iyong iba niyong mga guesses. some of u even got it correct hahahaha anw here's the ud i hope u guys enjoy it :>
Chapter 42
Heard from my brother that you were following us. Aww, how cute.
Padabog kong isinara ang locker ko, sanhi ng bahagyang pagkayanig ng katabing mga locker. I crumpled the paper I was holding and threw it in the trash can. Tumalikod na ako at nag-lakad patungo sa susunod kong klase.
Wala bang magawa ang magkapatid na iyon maliban sa pag-lagay ng note sa locker ko?
Kung dati, nababahala pa ako, ngayon ay mas nagaganahan lang ako na magantihan sila. Inaabangan ko lang naman ang go signal ni Damphier dahil plano naman nila iyon. Saling pusa lang ako. Wala parin akong alam na detalye sa plano nila pero sinigurado naman ni Damphier na isasama niya ako doon.
"Blair."
I halted in my tracks. Umarko ang dalawa kong kilay nang masilayan si Damphier. It's common for him to have his hair disheveled but today it was slicked-back. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya at napansin ang isang rose doon.
"Wow," I said in a teasing voice. "Ano'ng meron?"
His face was serious. "Can we talk?"
"Are you going to confess to me?" hindi ko na napigilang diretsuhin siya.
His eyebrows furrowed. "What?"
Nginuso ko iyong hawak niyang rose. "Manliligaw ka ba?"
He frowned. "What the hell are you saying?"
"Nakaayos pa buhok mo ngayon."
"So?" he said, his forehead still creased. "I didn't ayos my hair for you."
"Eh iyong rose?"
"Some chick gave it to me, saying that she likes me."
"Weh?"
He rolled his eyes and flicked my forehead using his finger. "Stop assuming things. I just want to talk."
I shrugged. "Okay. Ano ba ang pag-uusapan natin?"
"Let's go to 2Q." Ang 2Q ay iyong kwarto na nasa dulo ng palapag. Kung saan ko nakita na pumasok sina Damphier noon, at kung saan rin ako dinala ni Mariana noong cinonfront niya kami ni Luis.
"Bakit doon pa?" kumunot ang noo ko. "Pwede namang dito."
"Privacy," simple niyang wika bago nag-simulang mag-lakad. Sumunod naman ako.
"Sure mo mag-uusap lang tayo doon?" pangungulit ko
"What else would we do there?" he asked. Nilapit niya ang hawak na rose sa 'kin. "Want?" I shook my head. Nang may madaanan kaming basurahan ay walang kagatol-gatol niyang itinapon ang hawak na rose doon.
Umangat ang kilay ko ngunit hindi nalang ako umimik.
"Don't you have class?" tanong ko dito.
"No."
Nag-hintay ako ng ilang segundo bago muling nag-salita. "Well? Hindi mo ba ako tatanungin kung may klase ako?"
"No."
Napairap nalang ako sa kawalan.
"May klase ako pero dahil gusto mo akong kausapin ay mag-cucut ako." Kwento ko kahit hindi niya naman tinanong. Hindi siya umimik kaya napasimangot ako. "Hindi ka man lang ba na-touch na inuna kita bago ang klase ko? Walang thank you?"
BINABASA MO ANG
Before Reality Knocks (DLC Series #1)
Fiksi UmumDe la Cerda Series #1 Rebellious seventeen-year-old Blair Ruby de la Cerda is unwilling to accept the strict regime of her parents, inducing her to misbehave. However, it won't be long before her freedom meets its limit, and when it does, she knows...