Chapter 11

5.4K 216 40
                                    

Chapter 11


"Kailan pa?" Natatawang tanong ni Brant nung kaming dalawa nalang iyong magkasama.

"Kailan iyong?" I asked, feigning to be oblivious.

He rolled my eyes. "Stop the crap. You know what I'm talking about."

I shrugged. "I really don't know. You tell me." I said, smirking at him.

"Oh sige." He faced me. "Kailan mo pa nalaman na may gusto sa'yo si Faustian?"

"May gusto siya sa'kin?" I asked, shocked.

"Alam mo, pumasok ka nga bilang artista. Mukhang papasa ka doon." He snorted.

My lips curved into a smirk. "I just noticed that he was acting odd around me."

"So he really likes you huh," he mused before grimacing. "Poor guy. Hindi ko alam anong pinakain mo doon at nagustuhan ka."

"Wala akong pinakain doon," I snorted. "Malakas lang talaga ang karisma ko."

He made a disgusted look. "Gross."

"You're gross," I shot back.

"You don't like him?" He asked nonchalantly.

"What does it look like?" I asked sarcastically.

He shrugged. "I just think you two would look cute together. Alam mo iyon? Iyong parang sa mga movies. The rebel and the good guy. Malay mo, dahil sa kanya bigla kang bumait."

"What the hell, Brant. Stop saying shit. You're making me cringe." 

"What?" he asked. "Ayaw mong i-try? Give the guy a chance."

I snorted. "Yeah right."

He looked at me before shaking his head. "I really pity the guy," he said. "Hindi ko talaga alam kung ano ang nakita niya sa'yo."

"Fuck you."

"No thanks," he said. "Fuck Faustian nalang." Dagdag niya bago humalakhak.

Eto na nga ba iyong sinasabi ko. Kaya hindi ko sinasabi sa kanya eh, paniguradong mang-aasar 'to.


Bumalik na kami sa classroom. Nangunguna ako sa kanya kaya nung dumaan kami sa pwesto nila Faustian, nagulat ako nung bigla akong tinulak ni Brant kaya napasubsob tuloy ako kay Faustian! Mabuti nalang at nahawakan ni Faustian iyong bewang ko kaya hindi ako tuluyang napasubsob sa kanya.

Gago talaga 'tong si Brant.

Rinig ko pa iyong halakhak niya bago siya dumiretso sa pwesto niya. Sinamaan ko siya ng tingin kahit hindi niya naman nakikita.

Napalingon ako kay Faustian at nakitang nanlalaki iyong mga mata niya habang nakatingin sa akin. Napansin ko rin iyong pamumula ng tenga niya.

Umayos naman ako ng tayo kaya agad niyang inalis iyong hawak niya sa bewang ko.

"Thanks," simpleng sabi ko bago naglakad papunta sa pwesto ko. Sinamaan ko ulit ng tingin si Brant pero hindi niya ako tinitignan.

Wala sa sariling napatingin ako kay Scarlet at nakitang sobrang sama ng tingin niya saakin.

If looks could kill, I would've been dead by now.

Kakaiba 'yong tingin niya saakin ngayon kumpara sa ibang mga tingin niya.

Ito na nga ba sinasabi ko.

Naipit naman ako sa isang love triangle! Halata namang may gusto 'tong si Scarlet kay Faustian. Ang kaso, ako iyong gusto ng huli.

Before Reality Knocks (DLC Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon