Chapter 5

6.3K 228 48
                                    

Chapter 5


I stretched my neck, maintaining eye contact with him across the net. He arched an eyebrow before smirking, raising his hand and beckoning me.

I smirked before mouthing, "You're dead."

Using his index and middle finger, he pointed to his eyes before pointing to me.

Narinig ko ang pagpito ni Coach. Kaagad nag-serve iyong kaklase kong may hawak ng bola. 

Today's P.E. class and we're currently playing volleyball. Pina-countoff kasi kami at lahat ng even numbers ay magka-team samantalang ang odd numbers naman ang magka-team. Six players lang naman ang kailangan per team per game at saktong kasama ako at si Brant. Iyon nga lang, magkalaban kami.

Nag-spike si Brant. Nakita kong papunta iyong bola sa direksyon ko.

"Blair, tamaan mo!" Sigaw ng ka-team ko.

I scoffed.

Imbis na tamaan ko ay umurong ako patagilid para tumama sa sahig iyong bola. Pumito si Coach at sinabing nakakuha ng puntos iyong kabilang team.

Nakita kong gulat na nakatingin saakin iyong teammates ko.

I scoffed again.

I don't like being told what to do.

Tatamaan ko naman talaga iyong bola, nawalan lang ako ng gana nung inutusan ako ng isa kong teammate.

Lumingon ako kay Brant at nakita kong nakangisi siya habang pailing-iling. Alam niya na kaagad kung ano iyong nasa isip ko.

Nag-simula na ulit iyong laro. Kabilang panig naman iyong mag-seserve. Nagpasahan iyong magkabilang team ng bola. Nang makita kong papunta na ulit saakin iyong pag-spike ni Brant, handa ko na sanang tamaan kaso..

"Blair!"

And again, umiwas ako sa bola.

Napunta sa kabila iyong score.

Tumingin saakin iyong teammate ko, her eyebrows furrowed. I just gave her a bored look.

"Pangalawa na 'yan. Bakit mo iniiwasan iyong bola?" Kunot-noo niyang tanong.

"Bakit mo ko sinasabihan ng dapat kong gawin?" Taas-kilay kong tanong sa kanya.

Pumito na ulit si Coach at saktong ako na ang mag-seserve. I dribbled the ball twice before placing it in my hand.

Tumingin ako kay Brant at nakitang nakatingin rin siya saakin.

My lips slowly turned upwards into a smirk.

I threw the ball upwards and jumped, hitting it with my palm. It landed and touched the boundary line before bouncing out of bounds. Hindi natamaan ng kalaban iyong bola.

"In!" Sabi ni Coach nang mag-thumbs up iyong estudyante sa dulo ng line, hudyat na pasok iyong bola. Nakuha namin iyong point. 

My teammates cried in joy. 

Ako ulit iyong mag-seserve. Nang ibigay saakin iyong bola, napansin kong nag-seryoso na iyong team nila Brant. I just grinned and did what I did kanina. Nakuha ulit namin iyong puntos kasi hindi nila natamaan.

Sa pangatlong beses, natamaan na ni Brant iyong bola kaya muli nang nagpapalitan iyong team namin. Nang i-spike ni Brant iyong bola, I ran and slid on the floor, hitting the ball. Tumayo na ulit ako at nang tamaan iyon ng isa kong teammate, I quickly did a spike.

The other team wasn't able to hit it.

In the end, our team won.

"Good game," sabi ni Brant.

Before Reality Knocks (DLC Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon