Note: All English conversations indicate that they are being spoken in Spanish (unless otherwise stated).
Chapter 52
Napahikab ako at tamad na napatingin sa orasan. Alas siyete pa lang nang umaga. Since Sunday pa lang naman ay puwede pa akong matulog―
Teka.
Agad akong napabalikwas nang may maalala. Dali-dali akong tumayo at lumabas ng kwarto. Napatingin ako sa couch at nakita roon ang unan na dinala ni Damphier ngunit wala naman doon ang kanyang presensya.
Napatingin ako sa bintana at napansing tumila na ang ulan. Malakas na rin ang sinag ng araw.
Umalis na ba siya?
Nakarinig ako ng kaluskos mula sa kusina. Otomatiko kong inabot ang suot na tsinelas at dahan-dahang pumunta doon.
May 99% chance na si Damphier iyon, pero may 1% chance na ibang tao iyon kaya ayaw kong irisk iyong isang persento na iyon.
Pag-dating ko roon ay saktong tumayo si Damphier mula sa pagkaka-crouch sa harap ng ref ko. Napatingin siya sa 'kin at sa tsinelas na hawak ko.
Instead of addressing the slipper on my hand, he asked a different question. "Don't you have food in your fridge?"
"May nakikita ka ba d'yan?" He shook his head. "E 'di wala," sabi ko.
He rolled his eyes. "How do you even eat?"
Tinuro ko iyong bibig ko. "Gamit ang bibig ko."
He blankly looked at me.
Kita mo 'yan. Kagabi, pinipilosopo niya ako. Ngayong ako na ang namimilosopo sa kanya, biglang magagalit.
Isinara niya ang pinto ng ref at nilagpasan ako. Sumunod naman ako sa kanya. Kinuha niya mula sa mesa ang susi ng kanyang sasakyan.
"Oy, galit ka ba―"
"I'm going to the grocery," wika niya.
"Ano―"
"Do you have food you're allergic to?"
My forehead furrowed. "Are you going to buy food?"
"Obviously," sarkastiko niyang tugon. "There's nothing in your fridge. What do you even feed to your guests?" There was something different with the way he stated the last word. It's as if he was annoyed.
"Wala naman akong mga bisita," I said.
"Lol. Okay."
Lol???
Feeling ata neto nag-chachat kami. Gumagamit ng abbreviations.
Parang tanga.
"Stay put," sabi ko nalang. "Sasama ako."
Tumakbo na ako papunta sa kwarto ko at nagbihis ng pang-alis. Hindi na ako naligo. Nag-toothbrush nalang ako at nag-hilamos.
Sabay kaming lumabas ni Damphier ng unit ko. Noong pababa na kami ng elevator ay lumapit ako sa kanya at inamoy siya.
Kumunot ang noo niya. "What are you doing?"
"Wala lang," sabi ko, sunod na inamoy ang sarili ko. "Parehas kasi tayong hindi naligo. Baka lang may amoy." Napatingala ako sa kanya. "Nag-toothbrush ka ba?"
He nodded. "I used the disposable toothbrush in your bathroom."
"Okay," sabi ko. Si Brant ang naglalagay ng mga disposable toothbrush doon. Hindi ko alam kung ano'ng trip niya. Pwede namang mag-dala nalang siya ng personal toothbrush niya imbis na papalit-palit pa siya.
BINABASA MO ANG
Before Reality Knocks (DLC Series #1)
General FictionDe la Cerda Series #1 Rebellious seventeen-year-old Blair Ruby de la Cerda is unwilling to accept the strict regime of her parents, inducing her to misbehave. However, it won't be long before her freedom meets its limit, and when it does, she knows...