Chapter 41
My strides were big. Mabilis kong tinatahak ang daan habang ang mga mata ko naman ay naglilibot, hinahanap ang isang partikular na tao.
Lumawak ang ngiti ko nang tuluyan ko nang nasilayan ang taong iyon.
"Damphier!" sigaw ko na siyang umagaw ng kanyang atensyon, maging ang iilang mga tao na malapit lang sa 'min. Ngunit hindi ko sila pinagtuunan ng pansin.
Ang mabilis kong pag-lakad ay naging takbo. Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya ay hindi ko kaagad naitigil ang sarili, sanhi ng paghawak niya sa bewang ko upang mapigilan ang pag-tama ko sa kanya. Napahawak rin ako sa balikat niya para mabawasan ang impact.
Kunot-noo siyang nakatingin sa 'kin samantalang malaki naman ang ngiti ko.
"I don't know what you told them but it worked!" Natutuwa kong wika. "They canceled it!"
His confusion shifted into realization until a smug look covered his expression.
Hindi pa siya nakakaimik nang makarinig kami ng isang pag-tikhim. Napalingon ako at bumungad si Jamarius na parang gulat at si Dewi na may ngiting-aso.
When I realized my position with Damphier, agad akong napabitaw at napaatras. Masyado lang akong natuwa dahil siya ang may dahilan kung bakit na-cancel ang arrangement namin ni Luis.
Pag-pasok ni Damphier sa office kung saan nag-hihintay si Abuela at Mama ay saktong dumating si Papa. Tinanong niya ako kung nasaan sina Mama kaya sinabi kong nandoon sa study office niya.
Hindi ko alam kung anong nangyari at kung anong pinag-usapan nila doon. Hindi ko na naabutan si Damphier dahil naliligo ako noong umuwi na siya. Ang tagal kasi nilang mag-usap.
Tinanong ko ang mga magulang ko kung anong pinag-usapan nila pero ayaw naman nilang sabihin. Kaninang umaga lang sinabi sa 'kin nila Mama na hindi na tuloy ang arranged marriage namin ni Luis.
Umalingawngaw ang isang ringtone. Sabay-sabay kaming napalingon kay Damphier dahil sa kanya nanggagaling iyong tunog. Bumaba ang tingin niya sa kanyang cellphone at sinenyasan kami na sasagutin niya muna iyon.
When he was out of earshot, Dewi spoke.
"So, Blair," mapang-asar na umarko ang isa niyang kilay. "Who are you really dating? Luis or Damphier? Because I'm hella confused―"
I cut him off. "Neither."
"―or are you dating both of them?" he continued.
"I'm not dating anyone," giit ko.
He gave me a look full of doubt.
Napasimangot ako.
"Why are you so invested in my dating life?"
"I'm not. I'm just curious if it's Damphier or Luis you're dating." Inosente niyang wika.
Jamarius cleared his throat. "I hope you don't take it the wrong way, Blair. We're just concerned because Luis just broke up his three-year relationship with Mariana and―"
Napabuntong hininga ako. "Look. Why don't you ask Luis about it?"
Kung gusto nila malaman kung anong nangyari, si Luis nalang ang tanungin nila tutal iyon naman ang kaibigan nila. Wala naman akong obligasyon na magpaliwanag sa kanila dahil lang curious sila.
"Hey," Damphier returned, halting beside me.
I turned to face him.
"Damphier," I called, remembering what I came here to do. "Hindi ko alam kung ano ang sinabi mo kay Abuela at sa mga magulang ko para pumayag sila pero..." I paused and heaved a deep breath. "Salamat."
BINABASA MO ANG
Before Reality Knocks (DLC Series #1)
Fiction généraleDe la Cerda Series #1 Rebellious seventeen-year-old Blair Ruby de la Cerda is unwilling to accept the strict regime of her parents, inducing her to misbehave. However, it won't be long before her freedom meets its limit, and when it does, she knows...