Chapter 29
"Mariana, is Damphier pure Spanish?"
Mariana gave me a weird look. "As far as I know."
"Right? His looks are also of Spanish descent." I said more to myself, tilting my head in confusion.
Pero bakit nakakaintindi siya ng Filipino? I get that some Filipino words are similar to Spanish words pero iyong mga sinabi ko, hindi naman iyon malapit o katunog sa salita ng Espanyol.
"Why are you asking?" Mariana asked, snapping me out of my reverie. She gave me a smirk. "Are you interested in him?"
I grimaced. "The fuck? Hell no."
She chuckled. "That's how my grandparents started too."
I feigned to vomit.
Pinagsasasabi ng babaeng 'to? I barely even know Damphier. Ang alam ko lang sakanya ay Espanyol siya at nakakaintindi siya ng salitang Filipino.
Naghiwalay na kami ni Mariana dahil may gagawin pa daw siya kaya mag-isa na akong nag-lalakad sa pangalawang palapag ng building namin. Nagpapalipas lang ako ng oras dahil hindi pa naman class hours.
Malawak ang building na 'to kaya mayroong mga classroom na halos hindi na ginagamit. Tulad nalang ng kwarto kung saan kami unang nag-kita ni Damphier.
Umabot ako sa bahagi kung saan halos abandonada na iyong mga classroom.
Dahil nagpapalipas nga ako ng oras ay napagdesisyunan kong mag-silip-silip ng mga classroom.
Sinubukan kong pihitin iyong doorknob ng isang pinto at napangisi ako nang bumukas iyon. Tuluyan na akong pumasok at pinagmasdan ang loob.
Wala masyadong kagamitan dito maliban nalang sa lamesa sa harapan. May nakita akong bintana kaya dumiretso ako doon. Halatang matagal na noong huling ginamit ang kwartong ito dahil panay alikabok na iyong bintana, maging iyong sahig.
Inangat ko ang daliri ko at nag-simulang mag-ukit sa bintana ng mga mura sa lenggwaheng Filipino. Nakangisi ako habang ginagawa iyon.
Nang matapos ay ipapagpag ko na sana ang kamay ko nang mapansin ko ang isang pigura ng tao sa baba.
I squinted my eyes.
Si Damphier ba iyon?
Mag-isa lang siyang nag-lalakad sa baba habang suot ang airpods niya.
Napatingin ako sa daliri kong nangitim na at punong-puno ng alikabok.
Agad pumasok sa isip ko ang isang kalokohan.
Walang pag-aalinlangan kong binuksan 'yong bintana. Nung una ay hirap na hirap pa ako dahil sa palagay ko ay matagal nang hindi iyon nagagamit kaya halos na-stuck na siya doon. Buti nalang at nagawa ko pang buksan. Iyon nga lang, mas nadumihan ang kamay ko.
Pero ayos lang iyon dahil matatanggal rin naman iyon.
Sinilip ko iyong baba at napansing medyo may kataasan iyong distansya mula sa baba. Pero since nasa pangalawang palapag lang naman ako, hindi naman siguro ako mamamatay kung tumalon ako mula dito.
I climbed the window and crouched.
"Damphier!" Sigaw ko kaso mukhang hindi narinig nung ugok kasi patuloy lang siya sa paglalakad. Muli akong sumigaw at napansin kong napatigil siya sa paglalakad. Sa pangatlong sigaw ko ay tinanggal niya na iyong isang pares ng airpods niya at tumingin-tingin sa paligid. "Sa taas, ugok!"
Nang sabihin ko iyon ay napatingin siya sa direksyon ko. Nginisian ko siya bago kawayan. Kumunot iyong noo niya habang nakatingin sa 'kin.
Iyong mukha niya, parang sinasabing ano'ng ginagawa ng baliw na 'to?
BINABASA MO ANG
Before Reality Knocks (DLC Series #1)
General FictionDe la Cerda Series #1 Rebellious seventeen-year-old Blair Ruby de la Cerda is unwilling to accept the strict regime of her parents, inducing her to misbehave. However, it won't be long before her freedom meets its limit, and when it does, she knows...