Chapter 4

6.2K 245 45
                                    

Chapter 4


My mouth watered at the sight in front of me.

Steak...

My hand reached out for the utensils to get food but Brant immediately swatted my hand away. I glared at him but he looked unfazed.

"Mom, Dad," Faustian greeted before standing up and kissing his parents on their cheeks. 

"Good Evening po," bati ng mga kasama ko. 

Mr. and Mrs. Benedict smiled at us before taking a seat. Dapat kasi ay kami-kami lang iyong kakain kaso biglang dumating iyong parents ni Faustian kaya imbis na kumakain na ako as we speak, hinintay pa naming mag-bihis iyong mga magulang niya para makasabay sila saamin.

"Oh, why are you kids not eating yet? We told you not to wait for us," natatawang sabi ni Mrs. Benedict.

Tuwing kukuha na kasi ako, tinitignan ako ng masama nila Scarlet! Hindi ko naman dapat papakialaman iyon kasi ano'ng pake ko sa kanila 'di ba? Kaso si Brant, talagang halos balibagin iyong kamay ko tuwing itataas ko para kumuha ng ulam.

Kaya sabi ko, mag-hihintay nalang ako ng ilang minuto kesa magkapasa pa iyong kamay ko kahahampas ni Brant.

Dahil nandito na ang mga magulang ni Faustian, inangat ko na ulit ang kamay ko para kumuha ng ulam kaso muling hinampas ni Brant iyon.

I glared at him pero ngumuso lang siya sa direksyon ng mga magulang ni Faustian before clamping his hands together.

Napalingon ako at napansing nakagano'n ang lahat kaya napabuntong hininga nalang ako at ginawa rin ang ginagawa nila.

"Scarlet, dear, do you mind?" Nakangiting tanong ni Mrs. Benedict.

Scarlet smiled.

Huh. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang ngumiti. Palagi kasi siyang nakasinghal o nakasimangot saakin.

"Not at all, Tita," sabi ni Scarlet bago tumikhim. "Lord God, Heavenly Father, bless us and these Thy gifts which we receive from Thy bountiful goodness, through Jesus Christ, our Lord―"

I almost snorted. Buti nalang at napigilan ko ang sarili ko. I'm far from being a religious person however I respect what one's religious stand is. Iyon nga lang, seeing Scarlet looking so... religious right now makes me want to barf.

Pagkatapos ng prayer ay halos sumigaw na ako ng 'Hallelujah' sa sobrang tuwa.

Finally! I can now eat my steak in peace!

Tuwang-tuwa akong kumuha ng ulam. Napansin kong napatingin silang lahat saakin.

Ano nanaman?!

Hindi ko nalang sila pinansin at nilagay na iyong steak sa plato ko. From my peripheral vision, I saw Brant shaking his head in disparagement.

"Dapat pinauna mo iyong mga matatanda," he whispered at me.

Gano'n ba 'yon?

Hindi ko naman alam because I always eat alone. Like I said, my parents are rarely home and when they are home, halos hindi rin naman kami sabay-sabay kumain. Busy parin kasi sila kahit sa bahay.

I mentally snorted. Isipin mo, only child na nga ako tapos wala pa silang time saakin.

Siguro iyon ang rason kung bakit ako lang ang nag-iisa nilang anak. Masyado silang busy para bigyan ako ng kapatid. Baka nga aksidente lang ako eh.

I saw Scarlet picking up the plate filled with food before handing it to Mrs. Benedict. The latter smiled and thanked her.

I paid them no heed and decided to eat a piece of my steak. I fought the urge to moan out loud.

Before Reality Knocks (DLC Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon