Chapter 43
I was sitting at the edge of the rooftop. May klase sina Mariana at Damphier kaya mag-isa lang ako dito. May klase din naman ako pero tamad akong pumasok sa klase kaya dito nalang muna ako tumambay.
Mamaya kasi ay makita pa ako ng professor ko sa cinut kong klase tapos may ipagawa pa sa 'king activity tulad ng dati.
My eyes dropped to my phone when it suddenly vibrated.
Umarko ang isa kong kilay nang makita ang isang Facetime call. Nag-hintay muna ako ng ilang segundo bago iyon tinapat sa mukha ko at sinagot. Bumungad sa screen ang sarili kong mukha hanggang sa tuluyan nang mag-load ang video niya.
I stared impassively at the video of the ceiling on the other line. Maya-maya ay sumulpot ang isang noo.
I snorted. "Ano'ng ginagawa mo?"
"Shhhhh!" he said on the other line.
"What the fuck?" inis kong bulalas. "Ikaw tatawag-tawag tapos―"
"Shhhh!" he repeated. "I'm in class!"
Napatingin ako sa oras sa cellphone ko. It's currently 9:58 in the morning here, so it must be 3:58 in the afternoon there since the Philippines is six hours ahead of Spain.
Narinig kong tumunog ang pamilyar na bell sa kabilang linya, hudyat na 4PM na sa kanila. Gumalaw at lumikha ng kaluskos ang video niya; wala pang ilang segundo nang bumungad ang mukha niyang ilang buwan ko nang hindi nakikita.
"If it isn't Blair de la Cerda," mapang-asar niyang wika, a wide grin plastered on his lips.
Ginantihan ko siya ng isang ngisi. "Brant Cervantes."
He let out a hearty chuckle. "Gago ka. May balak ka bang magparamdam sa 'kin? Kung hindi ata ako tumawag, hindi talaga tayo magkakausap."
"Mas gago ka," I joked. "Busy ako sa school. Ano akala mo sa 'kin? Nag-babagong buhay na ako, hindi tulad mo na asikutero parin, uy."
He snorted on the other line. "Busy sa school? Hindi ba't 10AM palang d'yan? Dapat may klase ka pero mukhang wala ka nga sa klase eh. Asan ka ba?"
"Freecut kasi," pag-sisinungaling ko bago umirap. "Nasa rooftop lang ako nag-papahangin."
"Kunwari naniniwala ako."
"Hindi kita pinipilit na maniwala."
Napailing nalang siya. "Same old Blair."
"Bakit ka ba tumawag?"
Napasimangot siya. "Ayaw mo ba? Hindi mo ba ako na-miss?"
Of course I missed Brant pero puputi muna ang uwak bago ko iyon aminin sa kanya.
"Dream on," giit ko.
"Sus kunwari ka pa. Alam kong miss mo na ang kalokohan natin kasi hindi mo na magawa iyon d'yan dahil una, wala na best partner in crime mo―in case you're wondering kung sino iyon, malamang ako iyon―at pangalawa, limitado na galaw mo d'yan dahil kilala ka na bilang DLC."
Perfect hit right there.
"Pero hindi ka parin makatiis minsan ano?" pagpapatulo niya bago tumawa. "Nabalitaan ko iyong ginawa mo d'yan sa dalawang lalaki." Napansin niya ata ang pag-kunot ng noo ko dahil nag-paliwanag siya. "Iyong milkshake."
Pumasok sa isip ko ang unang araw ko dito. Iyong tinapunan ko ng milkshake si Luis at Elian.
Pero teka, paano iyon nalaman ni Brant?
BINABASA MO ANG
Before Reality Knocks (DLC Series #1)
General FictionDe la Cerda Series #1 Rebellious seventeen-year-old Blair Ruby de la Cerda is unwilling to accept the strict regime of her parents, inducing her to misbehave. However, it won't be long before her freedom meets its limit, and when it does, she knows...