Note: All english conversations indicate that they are being spoken in Spanish (unless otherwise stated).
Thank you for waiting! Long chapter ahead. (I think)
Chapter 23
Heiress to Andrew Franklin de la Cerda and his spouse Ivrea Bourbon-de la Cerda: NOW REVEALED. Read more to find out.
I clicked the link at agad na bumungad sa 'kin ang mukha ko na nakangiti with my pearly whites showing. May iilan pang mga pictures ko ang nandoon kasama ang mga magulang ko.
"Ano ba 'yan, itong picture na 'to talaga iyong binigay nila sa press." Inis kong bulong habang nakatingin sa isang picture kung saan naka-suot ako ng long gown. This photo was taken years ago. It was either at Kuya Sandro or Kuya Vlad's birthday party.
"Blair," Mama called. Agad kong sinara iyong cellphone ko bago siya nilingon. "Let's go."
Tumango na ako bago sumunod sa kanya. Pumasok na ako sa kotse at nakitang nasa passenger seat na si Mama. Nag-simula nang mag-drive iyong driver papuntang academy.
I'm not in the Philippines anymore. Mag-aapat na buwan na akong nasa Spain. Nag-simula na ang school year nila Brant three months ago pero dito kasi sa Spain, ngayong araw palang mag-sisimula.
Huling kita ko kay Brant ay noong house party niya. Iyon din ang huling kita ko sa iba ko pang mga kakilala... including Faustian.
Pagkatapos ng senaryong sumalubong sa 'kin nung gabing iyon, napag-desisyunan kong umuwi nalang. I don't want to lie to myself. Nawalan ako ng gana matapos makitang nag-halikan si Faustian at Scarlet. Pwede ko naman silang awatin kung gugustuhin ko, pero imbis na gawin iyon ay tinalikuran ko nalang sila at umalis na doon.
Matapos ang pangyayaring iyon ay walang araw na hindi ako binabagabag ng senaryong iyon. Minsan ay napapaisip ako kung tama ba iyong naging desisyon kong talikuran nalang iyon. There were also some days that I would look back and actually regret my decision.
Pero ngayong nandito na ako sa Spain, naisip kong tama nga lang iyong desisyon kong iyon.
Malayo na ako sa kanila. May sarili na akong buhay dito.
Tama lang iyong ginawa ko. Wala naman kasing mabuting idudulot kung sakaling inawat ko sila. At saka wala rin naman akong karapatan na gawin iyon kung sakali. Desisyon naman nilang dalawa iyon at wala akong magagawa doon. So I did what's best for the three of us.
Nagpaubaya ako.
Kahit hindi naman sa 'kin si Faustian in the first place.
"We're here, Ma'am." Wika ng driver sa salitang espanyol, snapping me out of my reverie. Mama turned to look at me and started reminding me of the things that I should and should not do. Tatlong beses niya na 'to sinasabi sa 'kin pero parang hindi parin siya na-sasatisfy.
It's not like I'm still a kid na kailangan laging pag-sabihan―I'm already eighteen for fuck's sake!
Para matapos na iyong usapan, umoo nalang ako kahit pumapasok sa isang tenga at lumalabas lang sa kabila ang mga sinasabi niya sa 'kin.
When they finally left, I stood still in front of the university that I will be now studying in. My family sent me to Spain para makita sa records ko na sa isang prestigious na Spanish university ako grumaduate at hindi sa Pilipinas.
I walked through the halls with my head held high. Compared to my school in the Philippines, the hallways here seemed busier and the students seemed less friendly. Nobody seemed to care that I was unfamiliar. Parang may kanya-kanyang mundo iyong mga estudyante dito. Though may ilang mga napapatingin sa 'kin but their gazes only would stay for a millisecond; as though I wasn't really something worth their interest.
BINABASA MO ANG
Before Reality Knocks (DLC Series #1)
Ficção GeralDe la Cerda Series #1 Rebellious seventeen-year-old Blair Ruby de la Cerda is unwilling to accept the strict regime of her parents, inducing her to misbehave. However, it won't be long before her freedom meets its limit, and when it does, she knows...