an: this chapter has been rewritten.
Chapter 26
Napahikab ako.
Damn, this class is fucking boring.
I should have cut class instead. Iyon nga lang, kung ginawa ko iyon ay paniguradong bubungangaan nanaman ako ni Mama. Last time kasi ay nalaman niyang nag-cut ako tapos pag-uwi ko ay niratrat ako ng bibig niya.
Halos isang oras niya rin akong pinagalitan. Paano, inungkat niya rin iyong mga kalokohan ko noong nasa Pilipinas pa ako. Umabot tuloy ng isang oras iyong pang-aaral niya sa 'kin.
Ayoko nang maulit pa iyon. It was really traumatic.
The sound of the bell ringing snapped me out of my thoughts. Nagsi-tayuan na iyong mga kaklase ko kaya tumayo narin ako at dumiretso na palabas ng kwarto.
Thank the fucking heavens that this is my last class before lunch. Makakakain narin ako sa wakas.
Gosh. I hate school.
It would be a tad bearable kung nandito lang si Brant. Pero wala. Nasa Pilipinas iyong ugok.
I kind of miss Brant...
Ew. What am I saying?
He'd laugh at me if he heard me saying that. Then he'd tease me nonstop. Sasabihin niyang crush ko siya kahit malabo namang mangyari iyon.
Brant and I? Never going to happen. That's just gross.
Dumaan ako sa parte kung saan bihira lang dumaan ang mga estudyante. Since lunch na ay maraming nasa main hallway dahil iyon ang pinakamabilis na daan para makapunta sa cafeteria. Ayaw kong may mga makasabay mag-lakad dahil ayaw kong may bumabangga sa 'kin kaya hindi ako doon dumadaan pag masyadong maraming tao.
Nalaman ko lang iyong daanan na 'to dahil napadpad ako dito isang beses noong nag-cut ako.
Nagulat ako nang biglang may humablot sa 'kin. Hindi ko na nalabas iyong mura ko dahil may kamay na nag-takip sa bibig ko.
What the fuck?!
Sinubukan kong magpumiglas pero masyadong malakas iyong gagong nakahawak sa 'kin. Hindi ko rin makita kung sino siya dahil nasa likuran ko siya.
Huwag mong sabihin may kidnapper sa loob ng eskwelahan?!
Kinaladkad niya ako papasok sa isang kwarto bago ko narinig na sumara na iyong pinto. Nang bitawan niya ako ay agad akong napalayo mula sa kanya.
Tumalikod ako para tignan kung sino iyong humablot sa 'kin. Naudlot iyong mura sa dila ko nang mapansin ko na hindi pamilyar sa 'kin iyong lalaking kaharap ko ngayon. Kumunot iyong noo ko.
Pinagmasdan ko iyong lalaki at napansin ang tattoo niya sa bandang braso. Kalahati lang iyong kita doon dahil natatakpan iyong ibang bahagi ng sleeves ng uniporme niya.
"Blair, right?" tanong nito.
I glared at him. "Who the fuck are you?"
He smirked. "Feisty, huh."
Putangina ba neto?
"I told you she's feisty."
Nagkasalubong ang kilay ko dahil sa boses ng isang babae. Lumagpas iyong tingin ko sa lalaking may tattoo at nakita ang isang pamilyar na babae na nakasandal sa pinto na pinasukan namin.
"Alnea," the words flew out of my mouth with distaste.
Siya ba may kagagawan neto?
Ano iyon? Sinumbong niya ako sa boyfriend niya dahil lang tinamaan ko ng bola iyong mukha niya?
BINABASA MO ANG
Before Reality Knocks (DLC Series #1)
General FictionDe la Cerda Series #1 Rebellious seventeen-year-old Blair Ruby de la Cerda is unwilling to accept the strict regime of her parents, inducing her to misbehave. However, it won't be long before her freedom meets its limit, and when it does, she knows...