Chapter 39

3.3K 144 46
                                    

Chapter 39


"Stop following me," I said through gritted teeth. I didn't bother turning to look at him.

"I told you," he said. "I'll stop once you give me your number."

"And I told you," I said with a sarcastic tinge on my tone. "Fucking no."

"Then I won't stop following you."

I halted in my tracks. I closed my eyes in frustration before turning around to face him. Bumungad sa 'kin ang mukha niyang ang sarap sapakin.

Ilang araw na ako ayaw tigilan ni Luis. Para siyang aso na sunod nang sunod sa amo nito. Ang rason niya ay kailangan niya ng number ko dahil utos iyon ng nanay niya. Hindi ako pumayag kasi bakit ko naman ibibigay ang numero ko sa kanya?

Akala ko titigilan niya na ako pag hindi ako pumayag, pero nagkamali ako.

He is seriously getting on my nerves.

Paano 'to nakayanan ni Mariana? Bulag ba iyong babaeng iyon?

"Aren't you embarrassed following me around like a lost puppy? Haven't you noticed others staring?"

"It's not like I have a choice," he spat. "Only Mariana knows your number. I can't ask her for it now, can I?" 

"That's not my problem."

"As I said, if you're not willing to give it, then I won't stop following you."

Napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok.

Mamaya maging totoo pa iyong inaakusa saakin ni Damphier noon―na isa akong criminal. Dahil konting-konti nalang ay mapapatay ko na ang lalaking 'to dala ng pagkainis.

Napabuntong hininga ako.

"You leave me no choice," I said.

"What?" he asked. "Are you finally giving me your number?"

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Makalipas ang isang minuto ay dali-dali akong tumalikod at tumakbo palayo. Hindi niya ata inaasahan ang ginawa ko kaya panandalian siyang napako sa kinatatayuan niya. Ngunit nang makabalik na siya sa wisyo ay tumakbo rin siya at hinabol ako.

Muli akong napalingon at napansing mas kaunti nalang ang distansya namin mula sa isa't-isa. Mahina akong napamura bago binalik ang atensyon sa harap at baka ay madapa pa ako.

Sprinter ba ang isang 'to?! Bakit ang bilis niya tumakbo?

I puffed out my cheeks and willed my legs to run faster.

Hinding-hindi ako magpapahabol sa taong iyon!

I rounded a corner and immediately thought of an idea when I saw a short wall just behind some leaves. I mentioned short dahil halos kalahati lang nito ang size ko.

Nagmadali akong tumakbo papunta roon at nag-tago sa likod no'n. Dumapa ako sa lupa para hindi niya ako makita.

Nakarinig ako ng mabibilis na yabag na mga paa, sanhi ng pagsiksik ko pa lalo ng sarili sa lupa.

Pigil-hininga akong nag-abang hanggang sa tuluyan nang mawala ang mga yabag. Napahinga ako ng maluwag bago tumagilid at napahawak sa dibdib.

Pucha, muntik na ako doon ah!

Ano ba'ng problema ng lalaking iyon at talagang hinabol pa ako?

Bagay talaga sa kanya ang maging aso!

"What are you doing?"

Agad akong napabalikwas sa narinig. Napatingala ako at bumungad sa 'kin ang seryosong mukha ni Damphier mula sa pangalawang palapag ng skwelahan. Iyon iyong lugar kung saan ako dati napadpad tapos napa-eavesdrop pa ako sa usapan ng grupo nila Damphier at Aeros nang wala sa oras.

Before Reality Knocks (DLC Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon