Chapter 1

14.3K 367 217
                                    

Chapter 1


I sucked on the strawberry flavored lollipop I was holding. Nang makita ko si Brant, panandalian kong tinanggal ang lollipop para mag-salita.

"Any transferee?" Nakangisi kong tanong.

Mapag-laro ang mga mata niya nang sumagot saakin. "Lima."

Mas lalong lumaki ang ngisi ko. "Good fucking luck to whoever they are."

Binalik ko ang lollipop sa bibig ko at nagsimula nang maglakad. Sinabayan naman ako ni Brant.

Magkaibigan na kami ever since I transferred here back in 3rd grade. Siya lang iyong kumaya sa ugali ko kaya since then, I've stuck with him. 

May iba naman siyang mga kaibigan pero ako, siya lang ang kaibigan ko.

Masyadong takot saakin iyong ibang mga estudyante. Lapitan ko lang sila para humingi ng isang papel, buong papel kaagad ang ibibigay nila. Ano ang 'kala nila saakin? Marami? Isa lang ako.

Ang iniisip tuloy ng iba, bully ako kaya pati sila ay natakot na sila saakin.

Paano nga ba nag-simula iyong takot nila saakin?

Ah, oo nga pala.

Nung nag-transfer ako dito, may mga babae kasi akong kaklase na gustong kunin iyong iba't-ibang kulay kong mga ballpen kasi cute daw. Akala nila ay puwede lang nilang kunin iyon saakin sa pamamagitan ng pagtatakot saakin since bagong estudyante lang ako no'n. Ang hindi nila alam, salbahe akong bata. 

Kaya nung tinangka nilang agawin iyon saakin, tinanggal ko iyong takip nung ballpen at sinaksak iyon sa kamay nila. Tatlo sila no'n.

Nag-siiyakan sila kaya pinatawag ako sa guidance office. Tuwang-tuwa iyong powerpuff girls no'n kasi akala nila magagantihan nila ako.

Malas lang nila, hindi nila alam na isa akong de la Cerda.

Nang ipatawag ng guidance ang mga magulang ko, ang butler namin ang pumunta. 'Tsaka palang doon pinaliwanag na isa akong DLC. Ang nakalagay kasi sa school records ko na last name ko ay Bourbon―my Mom's surname; so basically my middle initial―kaya walang nakakaalam na isa akong DLC.

Simula no'n, nagkaroon ako ng bashers. Maraming nagalit saakin dahil tuwing napapasok ko ang sarili ko sa isang gulo, I always get away unscathed. Perks of being a de la Cerda.

Pero syempre, tanging ang faculty at staff lamang ang nakakaalam. Walang ibang nakakaalam at bawal ito ipagsabi sa iba otherwise sila ang malalagot.

Dahil sa isang traumatic event na nangyari sa pamilya namin years ago, pinapakilala nalang kami bilang isang DLC pag tumapak na kami sa edad na eighteen. Sa kasalukuyan ay seventeen palang ako kaya hindi parin alam ng mga tanga.

Only child lang ako pero marami akong mga pinsan. Tulad ko ay pinakilala lang sila nung tumapak sila sa edad na eighteen. Tanging kami lang ni Charity―ang pinsan kong sobrang opposite ko; basically my counterpart dahil kung ako ay palaging gulo ang dala, siya naman ay palaging swerte ang dala. Balita ko nga ay balak no'n maging madre―ang hindi pa napapakilala bilang DLC dahil siya naman ay isang taon ang ikinabata saakin.

"Oh.."

Napalingon ako kay Brant na gulat na nakatingin sa bulletin board kung saan nakapaskil iyong class list. 

Buong high school ko ay palaging nasa last section ako dahil pasaway akong estudyante, samantalang ang mga matatalino naman ay nasa Star Section. Itong si Brant hindi ko alam anong trip kasi talaga namang matalino siya pero nagpapalipat siya ng section lagi para makasama ako.

Before Reality Knocks (DLC Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon