Chapter 40

3.8K 156 101
                                    

Chapter 40


"What's the plan?"

"What plan?" tanong niya, hindi nag-aabala na tumingin sa 'kin. 

I frowned. "I thought you were going to help me?"

"I am."

Mas lalo lamang lumalim ang simangot ko. Tatlong araw na ang nakalipas mula nang sabihin niya sa 'kin na tutulungan niya ako pero hanggang ngayon ay wala paring nangyayari. Wala rin siyang sinasabi sa 'kin na anumang plano.

Akala ko kaya hindi siya nagpaparamdam sa 'kin ay dahil busy siya mag-isip ng plano. Pero nang hanapin ko siya ay nakita ko siya sa likod ng eskwelahan, nakasandal lamang sa isang puno habang nag-babasa ng libro.

"Ano ba 'yang binabasa mo?" hindi ko na napigilang itanong. Sinilip ko ang cover ng libro at napataas ng kilay nang mabasa ang titulo no'n. "You're studying?"

"Yeah," sagot niya nang hindi inaalis ang tingin sa libro. "Quiz."

"Sipag." Biro ko ngunit hindi siya nag-react. Napasandal nalang rin ako sa katabing puno bago humalukipkip. "Ganyan ka ba pag nag-aaral? Hindi namamansin? Tipid mag-salita?"

"Not really," he answered. "Our professor gives difficult quizzes. If half of us don't pass he'll definitely give us hell for the next few weeks."

"E 'di bakit ka pa nagpapakahirap? Pwede namang doon ka sa other half na hindi papasa."

For the first time since I came here, he finally raised his head. Tamad niya akong tinignan.

"Unlike you, I can't slack off." Giit niya.

Luh. Bakit may pag-atake?

"We can only retake a subject thrice. Failing for the third time ensues getting kicked out." He continued.

Napakibit-balikat na lamang ako. 

Nito ko lang rin nalaman na college student na pala sila Damphier. Sophomore in particular. Kaya rin nag-kikita kami ay dahil same building ang mga college students at senior high school students.

"Why aren't you studying?" he suddenly asked.

"Wala akong quiz."

"I never see you study."

"Hindi ko na kailangan mag-aral."

Muli siyang napatingin sa 'kin. 

"That's why you got a zero on your psychology quiz."

My jaw dropped.

Paano niya nalaman?!

Mukhang nabasa niya iyong iniisip ko dahil muli siyang umimik.

"Coincidentally, your professor happens to be our professor. He made us check your class' quiz." Kalmado niyang sagot.

Nanlaki ang mga mata ko. Parang gusto ko tuloy magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyahan. 

Alam kong bobo ako. Pero bakit out of all people, siya pa talaga ang makakakita ng kabobohan ko?

"Teka, 'di ba Engineering ang course mo? Wala naman kayong psych class ah!" Baka kasi nang-bbluff lang 'to.

"He teaches us a different subject."

"Bakit kasi iyong papel ko pa ang pinili mo?" hindi ko mapigilang ibuntong sa kanya ang inis na nararamdaman.

"Because why not?"

My eyebrows furrowed. "Ano'ng why not? Marami naman kami sa klase, dapat iyong sa iba nalang ang kinuha mo."

Before Reality Knocks (DLC Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon