Chapter 10
I noticed that people were looking at me more than usual. Dahil ba ngayon lang ulit ako pumasok after being suspended? O dahil pinaghihinalaan nilang ako iyong kasama ni Kuya Khail sa picture?
"Hey," I turned and saw Brant. Tulad ko ay ngayon palang ulit siya papasok. "Alam mo na ba?"
I groaned. Ano nanamang rumor ang kumakalat?
"What?" I asked.
He slightly leaned towards my ear. "Pinaghihinalaan na nilang ikaw iyong kasama ng pinsan mo sa picture. May narinig din akong nag-sabi na kaya ka lagi nakakatakas sa mga gulo mo is because you're dating a DLC."
I snorted.
Dating a DLC my ass.
I am a DLC.
Nakarating na kami sa labas ng classroom. Binuksan na ni Brant iyong pinto at naunang pumasok sa loob. Sumunod naman ako.
Una nilang tinignan si Brant bago lumipat iyong mata nila saakin. Tumagal pa iyong tingin nila saakin kaya tinaasan ko sila ng isang kilay. Umiwas naman sila ng tingin.
Kaswal lang akong nag-lakad patungo sa pwesto ko. Nadaanan ko pa iyong Holy Trinity.
Blankong nakatingin lang saakin si Scarlet habang si Faustian naman ay hindi man lang ako dinapuan ng tingin. Diretso lang iyong tingin niya sa harap niya.
Pumasok na ang adviser namin. Matapos bumati ay napatingin siya sa direksyon namin ni Brant.
"Blair and Brant, you're back," wika niya. "I hope both of you don't get yourselves in trouble again." Binigyan niya kami ng makahulugang tingin.
I gave her a wide smile. "Got it, Miss."
Brant only nodded.
"Alright," Miss said, now facing the class. "Where did we stop last meeting?"
Pagkatapos ng klase, napagkasunduan namin ni Brant na pumunta sa likod ng school. Sisilipin kasi namin kung ano iyong nangyari sa vinandalize namin.
I wrinkled my nose.
Brant clicked his tongue. "Sayang naman iyong suspension natin. Pininturahan nanaman ng puti."
I looked at him. "Tara, sprayan ulit natin."
"Gago."
I chuckled.
"Ma-part two pa tayo," he continued.
"Ayaw mo? Katamad kaya mag-klase."
"Ikaw nalang. Huwag mo akong idamay." Ismid niya.
"Tara na nga sa caf, nagugutom na 'ko."
He snorted. "Lagi ka namang gutom."
Hinila ko nalang siya papuntang cafeteria. May iilan paring tumitingin sa 'kin pero at least pasimple lang. Nakakapikon kasi iyong sobrang obvious makatingin.
"Blair."
I paused in my tracks. Bakit ako kinakausap ng adviser namin? Ano nanaman ang kasalanan ko?
"Yes?" I asked.
"Have you seen Faustian?"
I blinked.
Bakit saakin hinahanap si Faustian?
"Why po, Miss?" Singit ni Brant.
"Ah, I have to give him these papers but I'm actually running late for a meeting. Can you hand these to him instead?" Hindi pa man ako sumasagot ay inabot niya na iyon sa akin. "Thank you, Blair."
BINABASA MO ANG
Before Reality Knocks (DLC Series #1)
Ficção GeralDe la Cerda Series #1 Rebellious seventeen-year-old Blair Ruby de la Cerda is unwilling to accept the strict regime of her parents, inducing her to misbehave. However, it won't be long before her freedom meets its limit, and when it does, she knows...