Disclaimer: This chapter contains themes of depression, suicide, and the like. You don't have to read the italicized part if you're uncomfortable but it reveals the story of why Blair's the way she is today; it contains Blair's family background.
Chapter 47
And I'm finally back.
When I first came to Spain, I wanted nothing else but to go back to the Philippines. Pero ngayong nasa Pilipinas na ako... parang hindi na ako ganoon kagalak.
Para bang may kulang.
Walang nakakaalam na nasa Pilipinas na ako dahil wala naman akong pinagsabihan na iba.
However, I stand corrected.
Kumunot ang noo ko nang mag-ring ang phone ko. Tumatawag mula sa Facetime si Brant.
"What?"
"Gandang bungad ah, tangina." Sabi niya sa kabilang linya. Kitang-kita ko ang pagkakunot ng kanyang noo. "Ba't hindi mo sinabi sa 'kin na nasa Pilipinas ka na? Wala kang kwentang kaibigan."
My forehead creased. "Paano mo nalaman na nasa Pilipinas na ako?"
He sighed in frustration. "I told you, updated ang De la Cerda Updates Facebook page!"
"What?"
"Nakapost roon ang picture mo na nag-lalakad sa NAIA."
What the fuck?
Is this Gossip Girl or something?
"Let's meet," aniya. "Where are you?"
"I just got home. I'm tired."
"Tired? Nakaupo ka lang naman sa eroplano. Hindi ka naman nag-labor."
I scoffed. "Ever heard of jetlag?"
"Tangina neto. Halos apat na taon tayong hindi nag-kita!"
"We Facetime once or twice a month," wika ko bago umirap.
"Iba parin pag-pisikal na kita!"
"Bahala ka."
"Text ko sa'yo address. Doon tayo mag-kita."
"K."
"Tanginang K 'yan―" agad kong pinutol ang tawag at tinapon na ang phone sa kama. I plopped down the bed and closed my eyes.
Totoo ang sinabi ko kay Brant na pagod ako. Fifteen hours pa naman akong nakaupo sa plane.
Puwede naman kasing bukas nalang kami mag-kita. Hindi naman ako mawawala. Bakit kailangan ngayon na agad?
Muling tumunog ang cellphone ko. Binuksan ko ang mensahe na sinend ni Brant.
Urban Bar & Restaurant, 7PM.
May awa din pala ang isang 'to. Buti nalang at alas-siyete pa. I still have time to rest.
Pag-patak ng alas-siyete, bumaba na ako ng kwarto para humandang umalis. Ngunit bago pa ako tuluyang makalabas ng bahay, narinig ko ang pag-tawag sa 'kin ni Mama.
"Where are you going?"
Nilingon ko siya. "I'm going to be meeting an old friend."
She nodded and smiled. "Okay. Eyes on the road when driving, alright?"
Hindi agad ako naka-sagot. Naninibago parin ako sa pag-trato ni Mama. I wouldn't say it was weird, it was just something I wasn't accustomed to.
Muli kong naalala ang naging usapan namin pagkatapos ng graduation ko.
BINABASA MO ANG
Before Reality Knocks (DLC Series #1)
Ficción GeneralDe la Cerda Series #1 Rebellious seventeen-year-old Blair Ruby de la Cerda is unwilling to accept the strict regime of her parents, inducing her to misbehave. However, it won't be long before her freedom meets its limit, and when it does, she knows...