Chapter 34

3.5K 128 19
                                    

Chapter 34


"Damphier Gullién!" Sigaw ng isang lalaki.

Napatingin kami sa baybayin at nakita ang anino ng isang tao na pagewang-gewang na naglalakad.

Binalik ko ang tingin kay Damphier at napansin ang pagbuntong hininga at pag-iling niya. Tumalikod na siya at pinuntahan ang lalaking sinisigaw ang pangalan niya. Sumunod naman ako sa kanya.

"Damphieeeer, yooohooo," the man said, obviously drunk. May hawak pa siyang bote ng alak sa kamay.

"Dewi," wika ni Damphier, bakas ang pagkairita sa boses niya.

Pakurap-kurap na napatingin iyong lalaki, na si Dewi pala, kay Damphier. Nag-lakad siya palapit sa huli. Muntik pa siyang matapilok, kung hindi lang kaagad iyon naagapan ni Damphier.

"What the fuck, Dewi," inis na bulalas ni Damphier. "How could you be more wasted than you were a while ago?"

"Gullieeeee," Dewi said, stretching his nickname for Damphier. "Why are you out here all alone?" he slurred.

"I'm not alone."

"Yeah!" Dewi said. "Because now I'm here!" Dagdag nito bago tumawa.

Damphier rolled his eyes. "I'm with Blair," saglit pa siyang napalingon sa 'kin.

"Who?" papikit-pikit na tanong ni Dewi. "Blair? The one you slept with?"

Kung hindi lang 'to lasing, baka nasapak ko na 'to sa mukha.

"Dewi, you're fucking heavy. Can you stand up?"

"Of course I can, I have feet bro!" Bigla itong natigilan. "Did you already have a drink? I'll bring you some bottles!" 

Dewi stood up straight, as though he hadn't almost tripped and fallen on his face a few moments ago, and started walking away.

Napatingin ako kay Damphier at napansing sinusundan niya lang ng tingin ang papaalis na si Dewi.

"Aren't you going to follow your friend?" I asked.

Napahilamos ng mukha si Damphier gamit ang kanyang palad. Minasahe niya ang kanyang sentido na para bang stressed na stressed na siya sa nangyayari.

He sighed. 

Akala ko ay hindi siya gagalaw sa pwesto niya, pero nag-simula na siyang maglakad patungo sa direksyon ng airbnb namin. Sinundan ko nalang ng tingin ang likod niyang palayo ng palayo.

Napabuntong hininga nalang ako bago muling umupo sa buhangin. Dahil basa ang katawan ko at mahangin pa ay nilalamig ang katawan ko, ngunit imbis na umalis ay nanatili lang ako sa pwesto ko.

Naiinis ako kay Damphier dahil siya ang may kasalanan kung bakit nilalamig ako ngayon. Pero at least wala na akong tama.

I hugged myself to ease my shivering. 

Who am I fucking kidding? Hindi ko kaya 'tong lamig na 'to!

Akmang tatayo na ako nang maramdaman ko ang pag-lapag ng makapal na bagay sa balikat ko. My eyebrows furrowed when I saw that it was a towel. 

Napatingin ako sa taong naupo sa tabi ko.

I blinked when I saw who it was.

Akala ko sinundan niya si Dewi?

Napatingin ako sa tabi niya at nakita ang tatlong bote ng alak. Napansin niya atang nakatingin ako doon dahil inalok niya sa 'kin ang hawak niyang bote.

Agad akong napailing. "Thanks but I'm good."

He just shrugged and took a gulp of his bottle.

Kumunot ang noo ko. 

Before Reality Knocks (DLC Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon