Chapter 8

5.5K 245 56
                                    

Chapter 8


Pagkatapos pag-usapan iyong magiging punishment namin, imbis na bumalik sa room ay pinauna na ako ni Kuya Israel sa kotse kung saan naghihintay iyong family driver namin at siya na raw ang kukuha ng gamit ko sa loob ng classroom. Sinabi rin ni Kuya Israel nasa bahay na daw sina Mama at Papa. Kaya din pala wala iyong mga bodyguards ko kasi pinatawag nila Mama. Si Kuya Israel tuloy ang pumunta saakin.

Tatlo kami ni Santi at Brant na magkakaroon ng suspension. Si Santi, napakiusapan ng Kuya niya na tatlong araw lang. Samantalang kami naman ni Brant, since kami iyong mismong nag-vandalize doon, isang week iyong amin.

Sa totoo lang ay pwede naman akong makatakas sa punishment ko. Iyon nga lang, ayokong maiwan si Brant. At isa pa, suspension means hindi ko kailangan pumasok sa school. Pabor iyon sa 'kin.

"Bakit ang aga atang umuwi nina Mama ngayon, Manong?" Tanong ko sa family driver namin nang makabalik na si Kuya Israel.

"Hindi ko lang ho sigurado, Ma'am," sagot ni Manong.

Nilingon ko si Kuya Israel. "Ikaw Kuya Israel, alam mo?"

He shrugged.

Tahimik talaga ni Kuya Israel. Siguro nahawa sa binabantayan niyang amo na si Kuya Sandro.

Speaking of my cousin, hindi niya parin binabalik iyong librong pinahiram ko sa kanya mula sa library namin. Siguro hihingiin ko nalang sa kanya sa Sabado since may family dinner kami. For sure ay nandoon 'yon.

"Papa!" Nakangiti kong wika nang makita ko siyang nakaupo sa sala.

Hindi niya ginantihan iyong ngiti ko. Seryoso lang 'yong mukha niya. Unti-unting nawala iyong ngiti sa mukha ko.

"You're here," Mama said in fluent Spanish. Nanggaling siya sa dining room.

Bumeso ako sa kanila bago umupo sa single sofa. Sila naman ay magkatabi sa mahabang sofa. Seryoso parehas ang hitsura nila habang nakatingin sa 'kin.

"I heard you got in trouble again," Papa said in Spanish, his voice gruff.

Hindi ako umimik.

Papa sighed. "Reinita."

"Si, Papa." (Yes)

"Por que?" he asked, looking disappointed. (Why?)

I pressed my lips into a firm line. "Just.." He stared at me, waiting for me to continue. I shrugged nonchalantly. "I just want to," I continued in Spanish.

"But why?" He asked again, still in Spanish.

"Must I have a reason for everything I do?" I couldn't help but ask. Sarcasm was slightly evident in my tone.

"Blair," Mama said, her tone laced with warning.

I rolled my eyes.

"We did not raise you like that, young lady," Mama said, now in French. Ayaw niyang malaman ni Papa iyong sinasabi niya.

"Sige, ganyan ka naman. Ang hilig mong pagalitan ako."

"What?" She asked, her eyebrows furrowed.

"Sige ganito nalang tayo mag-usap. Si Papa mag-Spanish, ikaw mag-French, ako naman mag-Tatagalog. Para akong nasa United Nations."

"Blair!" Mama bellowed. Hindi niya ako naiintindihan pero alam niyang hindi maganda iyong sinasabi ko.

"Che, bahala kayo dyan." Sabi ko bago umalis at dumiretso sa kwarto ko.

Bakit hindi nalang nila ako intindihin?

Ni hindi nga sila nag-eeffort na maging magulang ko, tapos magtataka sila kung bakit ako ganito umasta? 

Before Reality Knocks (DLC Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon