Chapter 27

3.9K 129 16
                                    

Chapter 27


"Blair... what are you wearing?" kunot-noong tanong ni Mama nang makita ang suot ko.

Kainis. Akala ko nakaalis na siya.

Hinintay ko kasi na umalis muna si Mama bago ako bumaba. Iyon nga lang, mukhang fail dahil nandito parin siya.

"Uhh. A shawl?" sinubukan kong ngumiti ngunit lumabas lang iyon bilang isang ngiwi.

Hindi nawala iyong pagkakunot ng noo ni Mama. "For what? It's not even cold. It's twenty-two degrees outside."

Umubo ako at tinignan siya nang malumanay. "I-I think I have a cold Mama."

Biglang naging blanko iyong mukha niya. "If you think that's going to work, it's not. Go to school, Blair."

Hindi na niya ako hinintay na mag-salita. Tumalikod na siya at umalis.

What the heck? Akala niya ba ay nag-papanggap akong may sakit para hindi makapasok? Totoo ngang nagpapanggap akong may sakit, pero para lang ma-justify ko iyong pagsuot ko ng shawl sa klima na 'to. 

Pero okay narin na iyon isipin niya―na "fail" iyong pag-papanggap ko―para hindi niya na kwestyunin kung bakit may suot akong shawl.

Gago kasi iyong Aeros na iyon! Nag-marka iyong daliri niya sa leeg ko noong sinakal niya ako! Naging kulay ube. May sugat rin iyong labi ko dala ng pagkasampal ni Alnea pero buti nalang at hindi nahalata ni Mama.

Pag-dating ko sa eskwelahan ay iilang napapatingin sa 'kin pero saglit lang naman. Siguro ay nagtataka sila kung bakit ako nakasuot ng shawl eh ang init-init.

Pakialam ba nila? Hindi naman sila iyong maiinitan.

Buti nalang at hindi ako sinuway ng mga teacher dito na nakasuot ako ng shawl. Sa school ko kasi sa Pilipinas, bawal mag-suot ng anumang accessory unless may valid reason.

Break time na namin kaya kasalukuyan akong papunta sa cafeteria. Mukhang galit sa 'kin ang tadhana dahil talagang nakasalubong ko pa iyong babaeng may saltik. Bumaba iyong tingin niya sa shawl na suot ko at biglang napangisi ng malaki. 

Hindi ko na sana siya papansin kaso hinarangan talaga ng gago iyong dinadaanan ko.

"Nice shawl you got there," she said, obviously attempting to irk me.

Dahil alam ko namang mas matutuwa lang siya pag pinakita kong apektado ako ay ginawa ko iyong kabaliktaran. Nginitian ko siya ng malaki.

"Thanks." 

Akala ko ay tapos na pero mukhang marami pa siyang baon.

"Today's weather is so hot though, so why are you torturing yourself?" Mapang-asar niyang wika.

Gustong-gusto ko na siyang sakalin kaso pinigilan ko lang iyong sarili ko.

"Eh ikaw? Alam mo na ngang ganyan hitsura mo tapos magpapakita ka pa sa mga tao, tinotorture mo iyong ibang tao." Nakangiti kong sabi.

Panandaliang nawala iyong ngisi niya. Hindi niya man naintindihan iyong sinabi ko ay paniguradong aminado siyang lait iyong sinabi ko.

Kaya rin ako nag-Tagalog kasi alam kong napipikon siya tuwing hindi niya naiintindihan iyong sinasabi ko.

Malas siya, quadrilingual ako. Pwede ko siyang laitin in four languages.

"If you don't mind, I'll be going now." Nakangiti ko paring wika sa kanya pero sa salitang espanyol na para naman maintindihan niya na. Kawawa eh.

Before Reality Knocks (DLC Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon