Chapter 22

5.2K 229 66
                                    

Chapter 22


"Nag-aral ka na ba para sa finals?" 

I snorted. "Anong klaseng tanong 'yan? Kailan ba ako nag-aral?"

Brant rolled his eyes. "Palibhasa DLC," bulong lamang iyon pero hindi iyon nakatakas mula sa pandinig ko.

"Bakit ka ba kasi nag-aaral? Bago 'to ah." Tulad ko ay hindi naman talaga nag-aaral si Brant. Well, siguro mas nag-aaral siya kumpara sa 'kin pero kung ikukumpara sa mga kaklase namin, kaming dalawa iyong pinakatamad doon.

Brant frowned. "Sabi nila Mama hindi nila ako isasama sa Japan ngayong bakasyon kung may line of seven ako."

I snorted again. "E 'di madali lang 'yan. Gawin mong line of six para walang line of seven."

He gave me a look. "Seryoso kasi."

"Seryoso din ako."

Binatukan niya naman ako. "Kailangan maka line of eight and above ako."

"Sad," komento ko.

"Wala ka talaga kwentang kaibigan."

"Likewise," sagot ko.

Kasalukuyan kaming nasa bahay nila Brant para mag-laro ng PS4 nila. Saktong wala si Kuya Orthell kaya pumayag na akong tumambay sa kanila. Iyong mga magulang naman ni Brant, hindi ko alam kung nasaan.

"Nga pala," sabi niya bago sumandal sa upuan. "After ng finals, mag-hohost ako ng house party dito sa 'min."

Umangat ang isa kong kilay. "Pinayagan ka ng parents mo?" A grin escaped his lips as he shook his head. I snorted. "Hindi naman pala pumayag. E 'di paano ka mag-hohost ng house party?"

His grin widened. "Sino bang nag-sabi na alam nila iyong tungkol sa party?"

Napailing nalang ako.


"Naubos brain cells ko sa test na iyon," ngiwi ni Brant. Sabay kaming natapos sa test at kasalukuyan kaming nasa labas ng classroom dahil mayroon paring iba na nag-tetest sa loob.

"Walang mauubos kung non-existent naman iyon sa'yo." I shot back.

"Hey!" Reklamo niya.

Binelatan ko lang siya.

"Hey," napalingon kami at nakita si Faustian na may maliit na ngiti sa mukha.

Napasipol naman si Brant bago ako bigyan ng isang mapang-asar na tingin. Inirapan ko lang siya.

Parehas lang naman ang pakikitungo ko kay Faustian. Kung paano iyong dati, ganoon parin. Hindi ko na siya iniiwasan. Sure, minsan ay nagiging balisa parin ako tuwing nariyan siya pero natuto na akong itago iyon. 

As for Faustian's case, hindi na siya kasing mahiyain tulad ng dati. Minsan ay magugulat nalang ako tuwing lalapit siya nang walang pasabi at bigla nalang akong kakausapin.

Tulad nalang ngayon.

"How did you both find the test?" Faustian asked.

"Palit nga tayo ng utak kahit isang beses lang," sagot ni Brant. "Pucha, ang hirap ng test! Parang wala naman iyon sa tinuro niya sa'tin."

"Actually, naituro iyon ni Miss. Hindi ka lang siguro nakikinig," napalingon kami kay Asteria na kalalabas lang mula sa classroom. Seryoso lang iyong hitsura niya habang sinasabi iyon.

Tumaas iyong isang kilay ni Brant ngunit hindi siya nag-salita. Ako naman ang napangisi.

Wala pala 'to eh.

Before Reality Knocks (DLC Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon