PROLOGUE
Lana's POV
When I crushed his heart, I thought that was the end of us.
I'll never see him again. He'll despise me for leaving him.
But now, he's here. He's back.
And there's nothing I can do to keep him away from us.
"Girl, may good news ako sa'yo!" bungad ni Eloise pagkabukas na pagkabukas pa lang niya ng pintuan.
"Ang ingay!" pagrereklamo ko, ngunit bago pa siya maka-react ay may sumigaw ng dalawang bulinggit sa likuran niya.
"Mommy!" Agad nabalot ng ngiti ang mga labi ko nang makita ko ang mga anak ko na inunahan ang Tita Eloise nila. They both ran towards me and each one kissed my cheek.
"How are my girls?"
"Mommy, look at our nails!"
"Aren't they pretty?"
Ibinida nila ang nail art sa mga kuko nila. Tinaasan ko tuloy ng kilay si Eloise. Napahagikgik lang siya at nag-thumbs up pa sa mga inaanak niya.
"Ikaw ah, you keep spoiling them." Ang dami niyang dalang shopping bags, halos hindi na nga niya mahawakan lahat. I'm sure most of them are for my daughters. New clothes and toys na naman 'yan.
"Hayaan mo na. Wala kaming magawa, kaya iginala ko na muna sila." She giggled when I rolled my eyes.
"Salamat, pero baka masanay na sila masyado. Kaya ayokong iniiwan sa'yo itong dalawa e."
Eloise chuckled. "Wala namang ibang magbabantay sa kanila kung hindi kami ng parents ko. Mas okay na 'yan kaysa naman sa bahay na panay alay ng pagkain si Mama. Baka lumobo mga anak mo, bahala ka."
My kids went to play while Eloise sat beside me. Katapat lang naman namin ang playroom kaya tanaw ko pa rin ang mga prinsesa ko.
"Bakit pala dumaan pa kayo dito?"
"May magandang balita nga kasi ako sa'yo, Lana!"
"Ano bang meron? Buntis ka?"
"Gaga, wala nga akong boyfriend, buntis agad? Para kasi sa'yo 'to!"
I crossed my arms and sharpened my eyes. May kalokohan na namang iniisip 'to!
"Mapapahamak ba ako diyan?"
"Hay nako. Ang sama naman ng tingin mo sa'kin!"
I laughed. "What is it then?"
Eloise smiled widely. "Tumawag 'yung kakilala ko at naghahanap daw sila ng event planner para sa upcoming birthday party ng hina-handle niyang singer! Naisip agad kita kaya binigay ko ang calling card mo. Mamaya raw ay tatawagan ka niya! Malaking project 'to for you, girl!"
Napangisi rin ako at na-excite. "Talaga? Binida mo ba ako mabuti?"
"Oo naman! I immediately sent her your page, tapos ay nagbigay na rin ako ng mga litrato mula sa mga events from your previous customers, and I believe she was pleased with it. Sumangayon nga rin daw agad 'yung singer, which is rare cause I heard he's hard to be satisfied."
We were still chatting when my phone rang.
"Answer it!" Eloise pushed me.
Ninenyerbos kong sinagot ang tawag at nagpakilala na nga sa akin ang kinukwento ni Eloise. Nagpa-set agad agad siya ng meeting para makausap ako in person.
"So? Is that her?"
"Y-Yup! Look at my hands, nanginginig ako!"
"Why? What did she say?"
"Tinanong niya ako kung natanggap ba daw ako ng mga huge parties dahil around seven hundred ang target guests nila. Um-oo ako kahit hindi naman ako sigurado kung talaga bang kaya ko 'yon! I'm insane for even saying yes!"
If ever, this would be my first big project. Usually ay simpleng mga kasal at binyag pa lang ang nagagawa ko. I just started my business after all.
"Ano ka ba, Lana! Sisiw lang 'yan sa'yo! Isipin mo na lang kung magkano ang ibabayad nila. It would help you a lot!"
Kapag nagawa ko ng maayos ito, siguradong magsusunod sunod na rin ang big clients ko. I have to impress them.
"Ito naman po ang choices for the ceiling design." After showing her my portfolio, mga suggestions naman ang isinunod ko.
"Hmmm. They're good but we were thinking of doing something like this." Ipinakita niya sa akin ang litrato sa cellphone niya. I noted it down and nodded.
"Copy po, Ma'am."
I haven't done anything like it but I am always up for a challenge. Tingin ko naman ay madali lang 'yon basta makakuha ako ng magandang suppliers and of course, I need to hire more people.
"Great. Send me the costing so we can immediately sign the contract at para na rin ma-send na namin ang budget sa'yo."
Ang dali niyang kausap! Gosh, is this even real?
Ngumiti ako at kinamayan na siya. "Thank you po. I won't disappoint you."
"Oh sweetie, 'wag ako ang alalahanin mo. You should worry about the birthday boy. Kapag may hindi kasi siya nagustuhan, baka palitan ka niya agad."
I wouldn't want that...
"Puwede po bang malaman kung sino po ang magbi-birthday?"
Baka kilala ko at fan pa ako!
"I can't believe I haven't mentioned it to you. I'm so sorry." She browsed through her phone and showed me a picture of the guy.
My eyes instantly widened when I realized who it was. Tumigil kaagad ang tibok ng puso ko at pinagpawisan ako ng maigi. His intense eyes seemed to be peering directly into my soul. Na kahit sa litrato lang ay ramdam ko pa rin ang galit na dumadaloy sa dugo niya.
"I'm sure you know who Kiel Pierera is."
Of course I do! Siya lang naman ang tatay ng mga anak ko!
*End of Prologue*
BINABASA MO ANG
Once Upon A Lie (Elite Boys 2)
RomanceMATURED CONTENT (R-18) A rich, self-sabotaging, rebel, has been Kiel's alias for years. And he liked it. He loved that people feared him. It makes him powerful and in control. He could do anything and get away with it just because he's part of the e...
