Chapter 28 - Reckless

341 20 14
                                    

CHAPTER 28

RECKLESS


Lana's POV


We were both impulsive and in love.

That was the combination we should have steered clear of the most.


Kiel was upset. His lips were pursed and his frown lines were visible, however, he was surprisingly still calm about it. Instead of demanding an answer, he patiently waited for me to speak.

Gusto kong magmaang-maangan at magpanggap na wala akong alam sa sinasabi niya, ngunit halata naman na kung ano ang tinutukoy niya. Someone must have told him, or maybe my tongue slipped and I hadn't noticed. Either way, he completely figured it out.


"I'm sorry," I whispered, reaching out to hold his hands. Hindi niya hinawakan pabalik ang mga kamay ko ngunit hinayaan niya lang ako. He continued to stare at me.

Seeing him like this kind of scares me. Hindi siya sumisigaw at nagwawala sa harapan ko, pero mas nakakakaba pala ang pagtahimik niya. I'm clueless if he's extremely mad at me, or he's just confused on how to form the right words to say.


"I'm really sorry, Kiel," I repeated, hoping he'd hear my sincerity. Natatakot akong dahil sa ginawa ko ay masira ko ang magandang takbo ng relasyon namin.


"Bakit hindi mo sinasabi sa'kin na naghahanap ka ng trabaho? Did I give an impression that I'd be against it?"

I bit my lower lip. "Ayoko lang mag-worry ka."

"But isn't that a typical response from someone who loves you? Boyfriend mo 'ko, Lana. Malamang magaalala ako. Mas gusto mo bang wala akong pakielam sa'yo?"

Umiling ako at niyakap siya nang mahigpit. "Please forgive me."

"You should have told me about it. Dapat sinasama mo 'ko sa mga plano mo. Dapat pinapaalam mo sa'kin kapag may problema ka. 'Wag mong sino-solo, Lana. Nandito ako."

"Sorry talaga." I kept on apologizing to appease his anger. Rinig ko kasi ang pagkairita sa tono ng pananalita niya kahit na kalmado siya.

"Napakawalang kwentang partner ko naman kung hindi kita tutulungan."


I hate that I'm making him feel like sh*t. Naiintindihan ko naman kung saan nanggagaling ang sama ng loob niya, pero hindi kasi madali sa akin na umasa sa iba. Besides, I don't want him to be obligated to fulfill my responsibilities in life.

Hindi dahil sa mahal niya ako ay papasanin niya na rin ang mga paghihirap ko. That's not how I see our relationship should be.


"Mahirap pagsabayin ang work at studies. Kaya 'wag ka na magtrabaho. Mag-focus ka na lang sa pagaaral mo. I will provide for you."

My eyes widened in shock. "Kiel---"

"Magkano ba ang allowance na kailangan mo, bub? Just tell me."


"You will not do such thing! Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na hindi mo pera 'yan, kaya hindi mo pwedeng ilaan 'yan sa'kin. That's from your parents. Nagpapakahirap sila sa pagtatrabaho para sa'yo, kaya sa'yo lang dapat 'yan!"

"What if I look for a job myself? Papayag ka na? Ang daming modeling agency ang nage-email sa akin. I can accept one of those and earn huge for you."


I groaned and took a deep breath. "Magpapaka-working student ka para lang sa'kin? Paano ang studies mo? Kaya ng oras mo?"

"How hard can it be? Ikaw nga, nagagawa mo."

Once Upon A Lie (Elite Boys 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon