CHAPTER 26
DIFFERENCE
Lana's POV
Comparison is a killer of joy.
A poison that sucks the confidence out of us.
It takes away our sense of contentment and satisfaction in life,
diminishing self-worth until all that remains
is the feeling of not doing enough.
Being with Kiel at the age of seventeen is probably the happiest stage of my life. Hindi ko inakalagang ganito kasaya ang mahalin siya. Gumigising ako at natutulog na nakangiti. Sometimes I feel like my jaw hurts from too much smiling. Kasi kahit na may mangyaring hindi maganda sa araw ko ay napapalitan pa rin iyon ng saya sa oras na makausap ko o makita ang boyfriend ko.
Kiel Pierera has that effect on me.
"Bub, I'm going to have a suit fitting later. Gusto kasi ni mom sumali ako do'n sa Annual Elite Game---whatever that is. Rios and I will go after school hours, along with our new friends. Do you want to come with us? Para na rin maipakilala kita sa mga bagong kaibigan ko."
Kiel found a new group of friends at LCU. Mga kapwa elites rin katulad niya. They were 6 boys and 5 girls. Nakita ko kanina sa IG story ng kaibigan niyang si Naomi noong minention siya at ni-repost niya.
They were all sitting at a huge circle table in their cafeteria. First day of regular classes, kaya may official photographer pa ang school nila na naglibot sa buong campus.
Wala naman siyang katabing babae doon kaya hindi ako nagalala. Besides, he also tells me everything. Hindi siya naglilihim ng kahit na ano.
"Next time na lang siguro, bub. Magre-ready din kasi ako for the Supreme Student Government campaign. Naisip ko lang, maganda kung tumakbo akong president for this school year. Makakadagdag 'yon para sa scholarship application ko sa LCU."
"Oh yeah, that's a good idea. Let me know if you need some help----Ha? G*go, hindi. Kausap ko lang si Lana." Natigilan siya sa pagsasalita nang may tumawag sa pangalan niya. I think it's Rios. Inaasar yata siya dahil babe time na naman daw.
"Where we again, bub?" tanong niya nang tumingin na siya sa akin.
"My SSG campaign."
"Right. Una mong isipin ang punch line mo or anything na tatatak sa utak ng mga students. Personally, I don't listen to the speeches that much. Doon ako sa may sense of humor at parang tropa lang. If you're too formal, only the nerds would vote for you."
"Kiel, mahal kita, pero gawin mo na lang dapat mong gawin ha. 'Wag mo na 'ko pakielamanan dito. Baka matalo pa 'ko ng 'di oras."
Humalakhak siya at napailing. "Hirap kapag video call lang, 'di mo mahalikan."
Ngumuso ako at hininaan ang volume ng phone ko dahil nakakahiya sa mga kasamahan ko dito sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Lie (Elite Boys 2)
RomanceMATURED CONTENT (R-18) A rich, self-sabotaging, rebel, has been Kiel's alias for years. And he liked it. He loved that people feared him. It makes him powerful and in control. He could do anything and get away with it just because he's part of the e...
