Chapter 34 - Alone

549 16 2
                                        

CHAPTER 34

ALONE


Lana's POV


You have always been open to me,

and I wish I could have done the same to you.


"Bub?" Kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni Kiel nang mapansing alas siete na ng gabi ngunit hindi pa rin siya bumababa upang kumain ng hapunan. He didn't answer so I tried to open the door knob. Thankfully, he didn't lock the door.

"Kiel?" tanong ko ulit, baka sakaling nakakasagabal ako. I frowned when I still heard nothing from him. Patay ang ilaw sa loob kaya naman hindi ko maaninag kung nasaan siya. "Tulog ba 'yon?"


I went inside and quietly closed the door. Kinapa ko ang switch ng ilaw ngunit bago ko pa mapindot iyon ay napasigaw ako sa gulat.

"Ahh---" Kiel quickly covered my mouth with his hand and hugged me from behind. He chuckled while I sighed in relief.

"Para kang sira! Bakit ka nanggugulat?"

Tumawa lang siya at binuksan na ang ilaw. "Why are you sneaking inside my room?"

"Hindi ka kaya nasagot kaya pumasok na ako..."


Doon ko napansin ang ilang mga papel na nakakalat sa kama niya. Katabi no'n ay ang gitara niya.

"What are you doing?"

"Just writing some songs..." Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko upang halikan iyon. "What can I help you with?"

"Hindi ka pa ba gutom? Nakaluto na ako ng dinner natin. Join me?"

"Of course. Sila Ty at Eloise, natawag mo na?"

Umiling ako at ngumuso. Magkaaway pa rin silang dalawa kaya medyo hesitant ako na yayain sila upang kumain na magkasama. The last thing I would want is for them to feel uncomfortable. Lalabas naman siguro sila ng mga kwarto nila kapag kumalam na ang mga tiyan nila.


Kiel sighed and scratched the back of his head. "Tyler's being stubborn. I tried talking to him but he wouldn't listen."

"Ang weird niya talaga lately. I don't get why he's acting out. Kita na nga niyang nasasaktan na si Eloise pero ayaw niya pang makipagusap nang maayos. Do you think he's cheating on my friend?"

"I doubt that. Kilala ko si Tyler, hindi magloloko 'yon."


Bumuntong hininga na lang ako. I was going to pull him out of his room when I noticed the boxes on the floor near his bed.

"Hindi mo pa rin nabubuksan ang mga regalo namin sa'yo?" I walked towards it and grabbed a small box to hand it to him. "Atleast open one of mine's."


Ngumiti siya at umupo sa dulo ng kama upang tingnan kung ano ang ibinigay ko sa kanya. When he opened it, he stayed silent, just admiring the small hourglass with lavander sand inside.


"Napansin ko kasing palagi mong suot 'yang necklace mo. Ayoko namang palitan 'yang nakasabit sa leeg mo kaya dinagdagan ko na lang."

Once Upon A Lie (Elite Boys 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon