CHAPTER 13
TENACIOUS
Lana's POV
Perhaps this whole thing was supposed to happen
in order for me to be with you.
I cried all night until my eyes are drained. Pigil na pigil nga lang ako sa paghikbi dahil ayokong marinig nila tatay at kuya ang pagiyak ko.
"Lana, pahingi nga ng limang daan diyan." Agad kong iniwas ang mukha ko sa gawi ni Kuya Lando upang hindi niya makita ang itsura ko.
"Para saan kuya?" I asked, without looking at him.
Hindi siya kaagad sumagot kaya naman sumulyap ako sa kanya. Surprisingly, he had his eyes away from me.
"'Wag na lang pala. Tinatamad na akong umalis." Pumasok na uli siya sa kwarto niya at narinig ko na lang na naglaro siya sa cellphone niya.
I hugged my pillow and continued bawling my eyes out. Hindi ako nasasaktan dahil lang sa nasira ang relasyon namin ni Paulo, kung 'di dahil na rin sa pangbabastos na ginawa niya sa akin.
I would have understood him if only he had been honest with me. Masasaktan ako pero hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sa kanya. Tatanggapin ko kahit na labag sa loob ko na si Jessica ang mahal niya. We were friends before he courted me. Ano man lang 'yung kausapin niya ako ng masinsinan. Tingin niya ba talaga maghahabol ako?
"Siya 'yon, right?"
"Oo. Grabe, ang lakas ng loob pumasok."
"Syempre, bakit mahihiya? Nakabingwit ba naman nang malaking isda."
Nagangat ako ng tingin nang marinig ko ang ilang usap usapan habang naglalakad ako papasok ng gate ng school. For some reason, I feel like these people are looking at me.
"Lana!" bati ng isang kaklase ko na kumapit pa sa braso ko. "Buti maaga ka. Tamang tama, magchikahan tayo."
Hinila na niya ako paakyat ng hagdanan, ngunit nagdahan-dahan ako nang mapansing nililingon talaga ako ng mga estudyanteng nakakasalubong namin. Kinabahan na ako dahil kakaiba ang mga tingin nila at nagbubulungan pa sila.
"Ako lang ba o parang pinaguusapan ako ng mga tao?" bulong ko sa kaklase ko.
"Ito na nga 'yung gusto kong itanong sa'yo. Kalat na kasi sa campus na pinagpalit mo daw si Paulo. Someone took a photo of you and Kiel Pierera at the parking lot yesterday."
"Ano?!" Halos mapasigaw ako sa gulat. "Sinong eskandalosa ang nagpakalat niyan?"
"Bakit? Hindi ba totoo?"
"Of course not! Walang namamagitan sa amin ni Kiel!"
"Pero dala dala niya ang backpack mo at pinagbuksan ka pa ng pintuan ng kotse niya. Are you saying it was just a fling?"
Minasahe ko ang sentido ko at kinalma ang sarili. I can't believe this! Ako pa talaga ang may iba? Samantalang ako ang niloko ng jowa ko!
BINABASA MO ANG
Once Upon A Lie (Elite Boys 2)
RomanceMATURED CONTENT (R-18) A rich, self-sabotaging, rebel, has been Kiel's alias for years. And he liked it. He loved that people feared him. It makes him powerful and in control. He could do anything and get away with it just because he's part of the e...