Chapter 31 - His Bed

656 19 3
                                        

CHAPTER 31

HIS BED


Lana's POV


The more we resist,

the more we crave for it.


I spent most of my summer days at work, trying to earn as much as I could. Ilang beses nagyaya si Kiel na lumabas kami pero sa tuwing napapalapit ang araw na naka-set para sana sa vacation namin ay bigla ko namang kina-cancel dahil kailangan ako sa isang event.

It's a good thing he's patient with me. Syempre nagtatampo siya dahil wala na akong oras sa kanya pero isang halik sa pisngi lang, ngumingiti na siya agad. Sobrang bait ni Kiel, kaya naman napagdesisyunan kong surpresahin siya sa birthday niya.


It would be his first birthday that I could be with him all day.

Noong bagong magkaibigan pa lang kami, hindi ko nagawang makasama siya sa kaarawan niya dahil nasa Ponte Almeria pa ako noon. I was still getting ready to move to Serenaville.

Last year naman, hindi ko alam ang mismong araw ng birthday niya. I remember one night, we ate dinner outside and paguwi ko, doon ko lang nalaman sa dorm na bday niya pala. I felt really bad because I didn't get to buy him anything.

Kaya this year, babawi talaga ako.


"Himala, bigla kang nagyaya lumabas," bungad ni Felix paglapit niya sa akin. "Anong meron?"

I slapped his hand when he tried to play with my braid. "I need your help. Magbi-birthday kasi si Kiel and since kakatawan mo siya, tutulungan mo 'kong mamili ng damit na bibilhin ko."

"Wow. Napaka-user mo talaga, Lana. Minsan ka lang magparamdam, para pa pala sa ibang tao."

I laughed and pulled him into the mall. Nagpaalam ako kay Kiel na pupunta ako sa trabaho ngayon. Ang 'di niya alam, makikipagkita lang pala ako sa bestfriend ko. He even insisted on driving me towards my workplace, pero umayaw talaga ako. Mabuti na lang na-convince ko siya na magga-grab na lang ako.


"Kumusta pala kayo? Kumusta sa apartment niyo?"

"Ayos naman..."

Tinitigan niya ako kaya pinanliitan ko siya ng mga mata. "Anong kailangan mo?"

"Nothing."

Bigla siyang tumalikod at tumingin ng mga damit kaya naman mas lalo akong nagtaka.

"Ano nga kasi 'yon, Felix? May gusto kang itanong e!"

He paused and groaned when he looked at me again. "Hindi pa naman kayo nagaano ni Kiel noh?"

"Ha?"

"Hindi, kasi ano...ang akin lang magkasama kayo lagi sa bahay, para na kayong magasawa. It's inevitable. And we all know about his past reputation. 'Wag naman sana pero...ginagawa niyo na ba 'yon?"


Hindi ko siya maintindihan kaya naman ang tagal kong tumingin lang sa kanya.

"Anong ginagawa---" When I finally understood what he was saying, my eyes grew wide. He wants to know if Kiel and I are physically intimate with each other.

Namula ang mga pisngi ko at hinampas ko ang braso niya. "Syempre hindi!"

"Weh?"

"Hindi nga! Incoming college student pa lang ako, sira ka ba?"

Once Upon A Lie (Elite Boys 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon