CHAPTER 1
FATES COLLIDE
Lana's POV
I first met him, in the most unexpected way. I wasn't looking for someone at that time, but he suddenly showed up in front of me, completely changing my life upside down.
From then on, I was his. I belonged to him, every fiber and every breath. I didn't know it back then, perhaps because I thought our paths shouldn't have crossed in the first place, but I was mistaken.
I am undeniably meant for him, as he is meant for me.
"Anong oras uwi mo?" tanong ng bestfriend kong si Felix nang tumigil kami sa tapat ng restaurant na pagtatrabahunan ko ngayong araw.
"Hindi ko pa alam. Bakit?"
"Gusto mo bang sunduin kita mamaya para may kasabay ka? May malapit naman ditong internet café. Pwede akong tumambay do'n."
"Para ka namang sira ulo. Hindi ito ang first time na magwo-work ako. Bakit kung makaasta ka diyan, para kang isang magulang na iiwan ang anak niya sa eskwelahan sa unang pagkakataon?" I laughed at how worried he is. Napaka-corny.
Felix scratched the back of his head. Bakas pa rin ang pagaalala sa mukha niya. "Hindi ka ba nanunuod ng balita? A lot of gangs have been fighting here in Ponte Almeria lately. Baka mamaya, madamay ka sa gulo nila."
"At bakit naman ako madadamay do'n? Hindi naman ako nasali sa mga gano'ng grupo. Ikaw ang magingat, baka mapagdiskitahan ka."
"Kaya ko ang sarili ko, pero ikaw---"
"Hay nako, Felix. Masyado kang nago-overthink. Sige na, papasok na 'ko sa loob. Male-late na 'ko. Bye!"
Tumakbo na ako papasok ng restaurant at lumapit kaagad sa manager ko.
"Good afternoon, ma'am!"
"Akala ko hindi ka na dadating e."
Ngumuso ako at nag-time in. "Nag-text back po ako kanina. Hanggang four po kasi ang pasok ko kaya hindi agad nakaalis sa school."
"Sus. Bilisan mo't magayos ka na para makapagsimula ka na. Jump packed na naman tayo ngayong araw." I hurried towards the back office and wore my uniform. Ipinusod ko rin ang buhok ko upang malinis tingnan, pagkatapos ay sumabak na ako sa gyera.
"Te, isa pa ngang kanin dito!" sigaw ng customer habang kumakaway kaway sa akin.
Teka, kakabigay ko lang sa kanya ah. Pang walong takal na 'yon, hindi pa rin siya busog? I'm amazed with his appetite.
"Okay sir! Saglit lang po!" Dali dali kong binalot ang take-out ng table #15 at iniabot iyon sa matandang babae na ngayo'y nakasimangot na.
"Jusko! Akala ko hindi na dadating 'to! Kanina pa kami naghihintay dito!"
"Pasensya na po, ma'am---"
"Ano ba naman 'yan! Ang tagal tagal! Nakikipagdaldalan ka pa! 'Yung kanin, nasaan na?!" Nagpintig ang tenga ko nang marinig ko ang sigaw ng lalakeng nasa likuran ko.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Lie (Elite Boys 2)
RomanceMATURED CONTENT (R-18) A rich, self-sabotaging, rebel, has been Kiel's alias for years. And he liked it. He loved that people feared him. It makes him powerful and in control. He could do anything and get away with it just because he's part of the e...
