Chapter 30 - Storm

320 19 4
                                    

CHAPTER 30

STORM


Lana's POV


Failure and success are not important,

but rather, the manner in which you play the game.


Normal na siguro sa mga babae ang mag-overthink lalo na kung sa tingin nila ay may nililihim sa kanila ang mga partner nila.

In the first place, why do these men have to hide things from us? Kung wala talaga silang ginagawang mali, bakit nila tayo pinangungunahan sa mga mararamdaman natin? They'd immediately assume we'd be mad at them, hence the white lies and their unending routine of creating excuses.

I wanted to give Kiel a benefit of the doubt. There must be a good enough reason as to why he hasn't mentioned Priscilla even though their photos surfaced on the net. Tingin ko nga, wala siyang kamuang muang na nag-trending silang dalawa kasi kung alam niya 'yon, hindi ba dapat nage-explain na siya sa akin ngayon?


"Bakit hindi ka pwede makipag-video call?" nagtatakang tanong ko kay Kiel.

"Mahina signal dito, bub."


Ayoko man pero nagsisimula na tuloy akong magduda.

What if kasama niya na naman si Cilla kaya hindi niya magawang magpakita sa akin? What if magkatabi sila ngayon?

Geez. Kailan pa ako naging selosang girlfriend? Resulta na yata 'to nang hindi ko pagkompronta sa kanya.


"Where are you?" He asked.

"School. May biglaang practice kasi ngayon ang Mr. and Ms. MDU."


Nag-decide na akong sumali sa pageant para na rin mas lalong dumami ang mga mailalagay ko sa LCU application ko. Pinayagan naman ako ng cheering coach ko na 'wag muna um-attend ng mga trainings and meetings namin habang nagre-ready ako dito.


"May partner ka na daw?" Walang sumali sa mga kaklase ko kaya malamang, taga-ibang section ang magiging partner ko. Kiel's been curious who would it be ever since I told him I'm joining the competition.

"Ewan ko lang. Hindi ko pa nakakausap ang adviser ko---"


Natigilan ako nang mapansing naglalakad palapit sa akin si Migs. Napalunok ako dahil na-gets ko kaagad kung bakit nandito siya.

He's my partner!


"Bub? Are you still there?"

I cleared my throat. "Y-Yeah. Sorry."


Tumayo ako at tinitigan si Miguel nang kumaway siya sa akin.

Bakit siya pa? Kiel won't like this. Noong una silang nagkita, nagkapikunan sila sa game. Wala na ba talagang iba?


"Hanggang anong oras daw ang practice niyo, bub?"

"I'm not sure."

"Sana maaga kang matapos."


Migs stopped in front of me and patiently waited for me to end the phone call. Kahit papaano, nakahinga ako nang maayos dahil hindi siya nagsalita kaagad. I don't want Kiel to hear his voice.


"Kumusta pala 'yung party ni Sky?"

"Uhm." Pumikit ako at umiwas ng tingin kay Migs para maka-concentrate ako. "Ayos naman. It was a huge party. Sobrang bongga."


Once Upon A Lie (Elite Boys 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon