CHAPTER 10
TRUTH
Lana's POV
Growing up, I always had horrible luck,
until I met you.
I was fortunate to find you.
"Lana!" I looked up when I heard someone calling my name. Ah, kasamahan ko pala dati sa cheering squad.
"Uy, musta?" She quit after getting a leg surgery last summer. Naaksidente kasi siya sa pagba-bike. Ngayon ko na lang ulit siya nakita. I didn't know she's back.
"Okay naman... Ano 'yan?" She glanced over to see the form in my hand.
"I am going to apply for the journalism position at our school's newspaper. Pangdagdag merits ko lang. Alam mo naman iniingatan ko mabuti ang scholarship ko."
Tsaka may kaunting allowance din daw, kaya papatusin ko na.
"Napakasipag mo talaga. Kaya maraming naiingit sa'yo e. You can do almost everything."
Except for rest...
Ngumiti lang ako at nagpatuloy na sa pagsusulat. I thought she was going to leave, but she surprisingly stayed. "Busy ka ba?"
"I'm almost done. Why?"
She sat beside me and smiled. "Is it true you're friends with Kiel Pierera and Rios Suarez?"
Ito na naman ba? Pangilan na siyang lumapit sa akin nitong linggo na 'to para lang tanungin ako tungkol sa Duo.
"Uhh, not really. May common friend lang kami kaya magkakakilala na kami. Bakit mo natanong?"
Ngumuso siya. "Narinig ko kasing ka-close mo sila. Baka naman pwedeng yayain mo sila sa birthday party ko next week?" She handed me an invitation. "It would mean a lot if you could have them join us. Please, Lana. Ngayon lang naman ako hihingi ng pabor sa'yo."
I scratched the back of my head. "Hindi ko kasi talaga sila nakakausap." I haven't unblocked Kiel's number... Baka kasi kulitin lang ako no'n.
"But surely you have a way to contact them, right?"
I frowned at her persistence. "Bakit ba halos lahat ng mga estudyante dito interesado sa kanila?" Hindi ko mapigilang sambitin. "Ano bang meron sa dalawang 'yon at pati ikaw gusto mong makasama sila?"
She's pretty, and she has a lot of admirers. Hindi niya na kailangang makisali sa mga babaeng nagkakandarapa sa Duo.
"You're kidding, right?"
"Mukha ba akong nagbibiro? I honestly don't get it. Sapat na rason ba ang pagiging gwapo para mahumaling kayo ng sobra sa kanila?"
Can't they see that those two are walking red flags? Mga babaero na nga, mukhang wala pang magandang maidudulot sa lipunan. Hindi na nga ako magtataka kung tatanda sila sa kulungan someday.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Lie (Elite Boys 2)
RomanceMATURED CONTENT (R-18) A rich, self-sabotaging, rebel, has been Kiel's alias for years. And he liked it. He loved that people feared him. It makes him powerful and in control. He could do anything and get away with it just because he's part of the e...
