Chapter 46 - Words

365 20 3
                                    

CHAPTER 46

WORDS


Lana's POV


I can now finally be honest with myself

because of you.


"Mwah mwah Mommy and Daddy again, pwis!" pangungulit ni Makenna sabay takbo upang kunin ang laruang camera niya. She almost tripped, rushing back to pretend to be taking pictures of us.


"Sino ba dito sa mga ninong at ninang niyo ang nagturo sa inyo niyan? Hindi niyo naman alam ang ganyan noon!" reklamo ko.

I have a feeling it's Felix. Si Eloise mapangasar pero ang mahilig magpagawa ng kung anu-anong mga kalokohan sa kanila ay si Felix.


With a sly smile, Naiah gave her two rabbit stuffed toys a kiss. Halos sumakit ang tiyan ni Kiel kakatawa.

"Kayo na lang ang iki-kiss ni mommy!" Yumuko ako at naglambing sa kanila. They giggled, but Makenna pushed her father again towards me.

"Daddy too!"


Halakhakan nang halakhakan ang mga kaibigan namin. I scratched the back of my head and nervously smiled at my daughters. "Mamaya na. Gutom na si Daddy niyo. He's tired from work."

"Parang hindi naman," Kiel whispered, earning numerous laughs again. Pinandilatan ko na siya ng mata at nilingon si Eloise upang humingi ng tulong ngunit tumawa lang din siya.


"Totoo pala talaga ang balita, may mga anak na kayo," Tyler commented, saving me from the pressure of giving my twins what they want.

Thanks, Ty!


"Hi! I'm Tito Tyler!" He waved at them, but they didn't do the same. Tumingin lang ang dalawa, nangingilala. Naiah even hid behind Kiel's leg, but she was peeking.


"Matalino talaga mga anak mo, Lana. They know who they shouldn't trust," With a harsh mutter, Eloise turned around and headed back to the dining room. Ngumiti si Ty at hindi iyon pinatulan, ngunit malungkot ang tingin niya sa ex niya. Halatang gusto niyang lapitan ang bestfriend ko pero hindi niya magawa.


"Nakaluto na pala kami ng afritada. Dinner na tayo," pagiimbita ko sa kanilang lahat. "Habang mainit ang ulam..."

"Ayos! Gutom na ko!" Felix stood up and greeted Tyler, then they walked towards the table. Migs followed after them, but he stopped briefly right in front of me.


"Tara Lana, kain na tayo."

"Oo, sunod ako."

I smiled and gestured for him to go first. Ayaw niya pa sanang iwan ako pero tinulak ko na siya. He chuckled and even tried to hold my hand as a joke. Humakbang ako patalikod para hindi niya ako mahawakan.

"Kulet mo." Nakangisi ako nang humarap ako sa kambal. Yayayain ko na sana sila nang bumungad sa akin ang masamang tingin ni Kiel.


Once Upon A Lie (Elite Boys 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon