CHAPTER 40
BIRTHDAY GIFT
Lana's POV
Some secrets are intended to be kept.
Few are meant to be revealed.
"It's weird seeing you drink," Felix muttered while chewing a gum. I opened another beer bottle and drank all my sorrows away.
Dumaan siya dito sa bahay dahil naiwan ko pala ang laptop ko sa banquet room. He was supposed to just drop it by but he decided to stay after noticing how wrecked I was. Sakto ay may mga extrang alak sa trunk ng kotse niya na para sana sa event bukas. I don't think Kiel's team would notice a few missing bottles. Sobrang daming liquors para sa birthday party and sa after-party niya.
"Hindi na ako magtataka kung bakit nag-end up sila together. Cilla's always been the kind of girl Kiel was supposed to date."
"Plus matagal na kayong hiwalay kaya natural lang na makahanap siya ng iba. Now, why do you sound so bitter?"
Inirapan ko si Felix. "I'm not!"
"Oh? E, bakit naglalasing ka ngayon?"
"I'm just w-worried!" I frowned when I stuttered. "Ano na lang ang iisipin nila Makenna at Naiah kapag nalaman nilang may girlfriend ang tatay nila? Obviously, they'll get hurt! They'll think he betrayed them!"
"But Kiel doesn't know he has kids. Tsaka anong ine-expect mo? Hindi siya magmu-move on sa'yo pagkatapos mo siyang saktan? Ganda mo naman," pangaasar niya.
I scoffed and drank again. "Matindi talaga 'yang si Kiel. Biruin mo, ang busy busy niya na nga sa career niya, nakahanap pa siya ng oras para makapanligaw. Amazing!" sarcastic na komento ko.
Tumawa ang best friend ko at inagaw ang bote ng alak sa kamay ko. I tried to grab it from his hand, but he shook his head. "Aminin mo na kasi. Nagseselos ka lang."
Hinagis ko ang stufftoy na nasa tabi ko at tumama iyon sa mukha niya.
Humalakhak siya at ibinato pabalik sa akin ang laruan. "Guilty ka masyado."
"Ewan ko sa'yo! Umuwi ka na nga. Umaga na. Matutulog na ako at may trabaho pa mamaya."
"Wow, ang sama ng ugali. Pinalayas ako pagkatapos kong damayan sa page-emote."
"Goodnight! Lock mo 'yung pintuan paglabas mo."
Naglakad na ako papasok ng kwarto ko at humiga sa kami namin ng kambal ko.Even though I was exhausted and could feel it in my body, I was unable to fall asleep. Mulat na mulat ang mga mata ko habang nakatitig sa ceiling ng kwarto.
"Bakit naman ako magseselos? Wala naman na akong karapatan makaramdam ng kahit na ano pagdating sa kanya. I was stripped of that right when I broke his heart."
Pumikit ako at huminga nang malalim.
I have to protect my babies. Iiwas ko na muna sila kay Kiel. Hindi dapat sila makapanuod ng tv o makagamit ng cellphone para hindi nila malaman ang tungkol kay Priscilla.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Lie (Elite Boys 2)
RomanceMATURED CONTENT (R-18) A rich, self-sabotaging, rebel, has been Kiel's alias for years. And he liked it. He loved that people feared him. It makes him powerful and in control. He could do anything and get away with it just because he's part of the e...
