Chapter 4 - Pierera

366 20 3
                                    

CHAPTER 4

PIERERA


Kiel's POV


I wouldn't be here if it weren't for you.

You saved me.

And you gave me a reason to live.


"'Wag mo na problemahin. Ako nga hindi ko pino-problema," rinig kong pagtawa ng isang lalake malapit sa akin.

"Paano nga kasi nangyaring pasado ka sa mga quiz e ilang araw ka ng hindi pumapasok?"

"Magic nga, pre. Parang timang, ayaw maniwala."


Minulat ko ang mga mata ko habang ang ingay ingay nilang nagtatawanan. I was about to ask whoever those idiots are to leave the room, when I felt an ache in my stomach. Doon ko napagtantong wala ako sa kwarto ko at nasa hospital ako.


Unti-onting bumalik ang memorya ko.

Damn it. Naunahan ako no'ng mga hayop na 'yon.


"G*go Rios, paano nga? Did you pay our professors to give you a high score?" Liam asked.

"At ano, para mapagalitan ako ni dad? Of course not. I paid someone to sit in for me."

Naghalakhakan sila at nag-apir pa nga.


"F*ck," hindi ko maiwasang sambitin nang sinubukan kong umupo. Napangiwi pa ako sa sakit na naramdaman ko.


"Hoy pre, buhay ka na pala!"

"Liam, tumawag ka kaagad ng doctor!"

Rios went to my side while Liam ran outside. I rolled my eyes and pointed at the call button on top of my bed.


Pwede namang tumawag na lang ng nurse, talagang pinuntahan niya pa. OA.


"Taratantado ka talaga! Anong naisipan mo't nagpunta ka dito magisa?"

I gave Rios a grin. He looked like he's been under a lot of stress. "Na-miss mo 'ko, bro?"

"Ewan ko sa'yo. Tanga tanga mo. Muntikan ka na."


I laughed but stopped when the pain came back.

"Why are you here in Ponte Almeria? Alam mo na ngang may kaaway tayo dito, hindi ka pa rin nag-ingat. You should have called me. Sasamahan naman kita kung talagang hindi ka mapakaling hindi magpunta rito."


Rios has always been a good friend to me. Lumaki kaming dalawa na palaging magkasama dahil magkumpare ang mga tatay namin. We also went to the same school since we were kids. Pareho pa kami ng trip sa buhay kaya nagkakasundo kami, unlike my older brother Archi, who has his own world.


"Wala lang. Wala akong magawa kaya dumalaw ako dito."

"Baka maniwala ako sa'yo. You're here to catch your father, aren't you?"

Once Upon A Lie (Elite Boys 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon