Chapter 45 - Surrender

319 17 7
                                    

CHAPTER 45

SURRENDER


Lana's POV


Love is like a war.

You lose if you give up.


"So, are you going to sleep in one bed with your ex?"

"Of course not! Ano ba namang tanong 'yan, Eloise?"

She giggled. "Kunwari ka pang ayaw mo makasama si Kiel, Tss."


"Ayoko talaga. Sinabi ko na nga sa'yo, hindi pa rin ako approved dito sa gusto niya. I want to hear Priscilla's opinion about this."

"So bakit nageempake ka na?"


I paused and stared at the bulk of clothes I neatly folded an hour ago. Nakapatong ang mga damit sa kama at ilalagay ko na sana sa bagahe.

Susunduin daw kami ni Kiel mamayang gabi. May commitment pa siya sa work kaya hindi niya magawang pumunta dito ng maaga.


"I'm only doing this for the kids. Palagi nilang hinahanap ang tatay nila at wala namang matutulugan si Kiel dito. I feel bad that he slept on his car last week just because he doesn't want to be away from our children. Kaya para hindi sila mahirapang tatlo, ako na lang ang maga-adjust."

"Ewan ko sa'yo, Lana. Ang lame ng excuse mo." Hinagis niya pa sa mukha ko ang unan na hawak niya kaya naman hinampas ko rin siya no'n pabalik.


Sa totoo lang, simula nang umamin sa akin si Kiel na gusto niyang makipagbalikan, medyo na-awkward na ako kasama siya. I didn't say anything that night, hanggang sa maihatid niya ako pauwi. I'm just glad he didn't insist on an answer, pero baka hindi ko na magawang iwasan iyon kung titira kami sa iisang bahay.


Ang hirap naman kasi. May fiancé siya tapos gusto niya, maging kami ulit.

Sinabi niya lang ba 'yon dahil may mga anak kami? He said before that he didn't want our kids to have a broken family. Is that why he wants us to be together again? Kasi kung 'yun ang dahilan niya, hindi ako papayag.

I don't want a relationship that was created out of convenience and obligation, not love.


"Mommy, I'm bringing bunny and teddy, okay?" Naiah shouted.

"Babie for me! All my babies!" pagpapaalam din ni Makenna. "And my pincess kawn."

"It's crown, Makenna," Eloise corrected her.

"Yeah Tita. I said kawn."


Eloise and I looked at each other before we silently laughed. Kanina pa nakikisabay ang mga anak ko sa pagaayos ng mga laruan nila. I gave them two separate boxes that they can fill with their toys.


"Mommy, can I bring my totol toy?"


"Totol?" tanong ni Eloise sa akin.

"She meant, turtle." Tinakpan ko ang bibig niya nang humalakhak siya.

Once Upon A Lie (Elite Boys 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon