CHAPTER 27
SECRETS
Lana's POV
If I had known then what would happen,
I would have clung to you even tighter.
"Na naman? Kuya, napapadalas na yata 'yan."
Nagtaas ng kilay si Felix nang makitang nakasimangot ako paglapit niya sa akin. May dala dala siyang softdrinks at chichirya na ipinatong niya sa tabi ko.
Kakatapos lang ng mga klase namin at dahil wala namang practice or training ang cheering team, at hindi pa naman nagsisimula ang campaign election ng SSG, ay may free time ako ngayon. Babasahin ko pa lang sana ang pamphlet na hawak ko tungkol sa Mr. and Ms. MDU nang tumawag na naman si Kuya Lando upang mangutang.
"Lana, hindi naman ako hihingi ng tulong sa'yo kung talagang may mahuhugot pa akong pera dito. Tingin mo ba hindi ako nahihiya sa ginagawa ko? Desperado na talaga ako."
I groaned quietly and checked my wallet. Dalawang libo na lang ang pera ko.
"Wala ka bang pwedeng mautangan na iba diyan? May ambagan pa kasi kami for our group project tapos magre-ready na ako para sa pagtakbo ko bilang president ng student council. I have to print some posters and such. Baka mag-short ako kung ipapadala ko pa sa'yo 'to, Kuya."
Huminga siya nang malalim. "Kanino naman ako lalapit dito? Alam mo naman na mga walang wala rin palagi ang mga kapitbahay natin."
'Pautangin kita' Felix mouthed, sensing my stress. Umiling ako at nagisip saglit.
"'Yun bang mga gamot nila tatay at nanay, branded pa binibili ang mo? Generic na lang muna kaya? Same naman 'yon ng effect, 'di ba?"
"Hayaan mo na nga. Hahanap ako ng paraan. Sige na, baka naiistorbo pa kita."
I could hear how irritated he is by the tone of his voice. Sumasakit na siguro ang ulo niya kakaisip kung paano namin mababayaran ang mga obligasyon namin sa mga magulang namin.
I know how tough life is for him at the moment. Ako ang nasa sitwasyon niya noon. I used to work non stop just to put food on our table. Kaya ngayong siya na ang gumagawa no'n para sa pamilya namin, hindi ko dapat siya iwanan sa ere. Tulungan dapat kami dahil magkapatid kami.
"Hindi Kuya...magpapadala na 'ko. Pero magkano lang 'to ha."
"Sigurado ka?"
"Oo. Para kila nanay at tatay."
"O sige, ikaw bahala."
Pagkatapos naming magusap ni Kuya ay isinalampak ko ang mukha ko sa table. "Ang hirap maging mahirap!"
"Ang yaman yaman ng boyfriend mo, bakit hindi 'yun ang pagbayarin mo?" biro ni Felix kaya naman tiningnan ko siya at inirapan.
"Does it look like I'm dating Kiel so he could be my bank account?"
"Hey, I was just joking. 'Wag kang magalit agad." He laughed and chewed his food. "Pero masama ba talagang humingi ng tulong sa jowa mo? Nakakabili nga siya ng worth 320k na tuxedo."
Napanganga ako sa gulat. "Ano? Gano'ng kamahal?"
"Oh 'di ba, kahit ikaw na-shock." Humalakhak siya at uminom ng coke. "Napanuod ko 'yung interview sa mga elites nung nakaraang party nila. Malulula ka na lang sa tindi ng halaga ng mga damit nila. They're clearly from another world."
BINABASA MO ANG
Once Upon A Lie (Elite Boys 2)
RomanceMATURED CONTENT (R-18) A rich, self-sabotaging, rebel, has been Kiel's alias for years. And he liked it. He loved that people feared him. It makes him powerful and in control. He could do anything and get away with it just because he's part of the e...