CHAPTER 43
SULKING
Lana's POV
It's fun to witness a man who exudes confidence and coolness,
completely crumble in the face of the displeasure of his two daughters.
"Teka lang Kiel, hindi naman yata pwedeng basta basta na lang tumira sa'yo ang mga bata."
"And why not?" tanong niya habang nagmamaneho.
I frowned and stared at him in disbelief. "Because they're already living with me. Anak ko rin sila. May karapatan akong makasama sila."
Kiel gave me a brief glance before he refocused on the road. "I never said you can't be with them. Ang akin lang, mas mapapanatag ako kung nandoon sila sa bahay ko."
Eloise mentioned the term co-parenting and honestly, I had always wondered what it would be like to experience that kind of stuff with Kiel. Kung paano kami maga-adjust para maibigay namin ang mga pangangailangan nila Makenna at Naiah.
Pero ngayong nandito na iyon, masasabi kong ang hirap din pala. Hindi ako sanay na mapapahiwalay sila sa akin. Isang gabi nga lang na nag-stay kila Eloise ay sobrang lungkot ko na. Ano pa kaya ang ilang araw o isang linggo na wala sila sa piling ko?
"Can we take it slow? It's too sudden. Gets ko naman na sabik ka kasi sa kanila at hindi naman kita pipigilan makapiling ang kambal. I just think we need to compromise." Hindi 'yung gusto mo lang ang masusunod...
"Compromise?"
"Yeah. You can start by borrowing them for a few hours, preferably kapag nasa trabaho ako. Kapag medyo kumportable na ako, doon mo na lang sila hiramin ng isang gabi...o dalawang araw. Maybe every weekend? Pakiramdam ko kasi magaalala ako ng sobra kung bigla mo na lang silang dadalhin sa inyo."
Nagkasalubong lalo ang mga kilay ni Kiel. "I think you're misunderstanding my words. Lana, you're the mother of my children. Kung nasaan sila Makenna at Naiah, syempre dapat nandoon ka rin. I am not allowing you to live alone in that old house. Sasama ka sa amin ng mga bata."
It took me a few blinks for my mind to register what he had just said.
"W-wait, are you asking me to live with you?"
"Is that a problem? Normal lang na tumira tayo sa iisang bahay. You wouldn't want the kids to grow up having a broken family, wouldn't you?"
Nahihibang na ba siya? Nakalimutan niya na ba talagang may fiancée siya?
"Napagusapan niyo na ba ito ni Priscilla?"
"This doesn't even concern her."
Of course it does! Oh my gosh! Gusto niya yata talagang gumawa ng gulo! Ayokong masabunutan at masampal ha!
"Ikakasal na kayo Kiel, kaya damay siya dito."
Magsasalita sana siya nang biglang may bumagsak sa likuran ko. That's when I only remembered the twins are with us. Nilingon ko agad sila at nakitang sinusubukang kunin ni Naiah ang laruang cellphone niya kaso naka-seatbelt siya kaya hindi siya gaanong makagalaw. I reached for it and gave it to her. Niyakap niya lang iyon at tumingin na sa labas ng bintana, habang si Makenna naman ay nakatitig sa akin. She looked worried. Nagtataka siguro siya sa tono ng pananalita ko kanina. They have never heard me argue with someone, not even at work.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Lie (Elite Boys 2)
RomanceMATURED CONTENT (R-18) A rich, self-sabotaging, rebel, has been Kiel's alias for years. And he liked it. He loved that people feared him. It makes him powerful and in control. He could do anything and get away with it just because he's part of the e...
