Chapter 3 - Struggles

379 19 3
                                    

CHAPTER 3

STRUGGLES


Lana's POV


I have always had a difficult life,

but you made it easy.

You were my strength, my hope, and my rest.


"Manang Asing! Saglit lang po!" Hihingal hingal akong kumapit sa braso niya upang mapigilan siya sa pagsasara ng karinderya niya. "May ulam pa po ba kayo diyan?"

"Nako iha, anong oras na. Ubos na ang mga paninda ko. Bakit ngayon ka lang kasi?"

Napakamot ako sa ulo ko. "Pasensya na po, kanina pa po talaga dapat ako nandito kaso ang daming nangyari."

Huminga siya ng malalim. "Oh saglit, titingnan ko kung may maibibigay pa ako sa'yo. Pasok ka muna sa loob."


Umupo ako sa monoblock chair at hinabol ang hininga ko. Tinakbo ko lang kasi galing hospital dahil wala na talaga akong masakyan.

Nasira na tuloy ng tuluyan ang sapatos ko...


"Ito, may dalawang piraso pa ng manok dito kaso tutong ng kanin na lang ang meron ako. Kukunin mo pa ba 'to?"

"Opo! Ayos na po 'yan!"


Napapailing niya akong tiningnan. "Hay nako Lana, magpa-reserve ka na lang kasi para may naitatabi ako sa'yo, hindi 'yung ganyan na tira tira na lang ang iniuuwi mo."

Ngumiti ako at masayang tinanggap ang ibinalot niyang ulam. "Wala pa po kasi akong pera kaninang umaga, nakakahiya naman magpa-reserve. Pero salamat po dito Manang Asing. Magkano po 'to?"

"'Wag ka na magbayad. Itabi mo na 'yan. Ipangdagdag mo sa pamasahe mo papuntang eskwelahan bukas. Kumusta na pala ang tatay mo?"

"Gano'n pa rin po..."

"Nawa'y gumaling na talaga siya para hindi ka na nahihirapan. Oh sya, maaga pa ako gigising bukas. Isasara ko na ang tindahan ko."

"Sige po, salamat ulit!"


Lumabas na ako at inilagay sa bag ko ang ulam. Kumakalam na ang tiyan ko...


"Uy Lana, napagabi ka?"

"Kakagaling mo lang ba sa trabaho?"


Ngumiti ako sa ilang mga kapitbahay ko dito sa tenement. "Ah opo. Walang masakyan."


"Strike nga pala!"

"Buti nakauwi ka pa rin."


"Nilakad ko na po." Tumigil ako sa tapat ng pintuan at hinanap ang susi sa bag ko.


"Kawawa talaga ang batang 'yan. Maswerte ang pamilya niya't masipag siya."

"Kung sa iba 'yan, baka matagal ng umalis at nagsarili."

Once Upon A Lie (Elite Boys 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon