CHAPTER 22
BASKETBALL GAME
Lana's POV
We were acting like a married couple arguing,
without realizing, we're not even in a relationship yet.
How silly of us to have missed the fact
that we were already down bad for each other.
"Lana, tara na daw! Magsisimula na ang game!" pagtawag sa akin ng cheer sister ko.
"Felix, mag-start na ang basketball game. Kailangan ang squad doon para suportahan ang team. I have to go now."
"Okay, enjoy! Sana may video kang makuha para ma-send mo sa'kin at mapanuod ko!"
"Meron 'yan, for sure. Sige, bye!"
Tumayo na ako at agad itinago ang phone ko sa locker ko. Then I ran out of the room towards the gym.
Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ay nanlamig na ang mga kamay at paa ko. Parang niyayanig ang buong lugar sa ingay ng mga estudyante. Pakiramdam ko, buong MDU population, naririto ngayon. Mayroon pang mga taga ibang school na dumayo rito upang makinuod. I know they're here for the game, but still, cheering in front of them is insane.
"Formation!" sigaw ng captain namin kaya nagpunta na ako sa harapan, sa tabi niya. With a broad smile, I put my hands on my waist.
Everyone became silent as they waited for the music to start.
Lana, don't be nervous. Just enjoy the moment. You're only young once.
Nang tumugtog na ang kanta ay ibinigay ko na ang best ko.
"Are you ready? Let's go! Marquis Drishti Swans are here! Scream out loud, we have no fear!"
For a moment, everything went slow-mo through my eyes. Each smile from the crowd registered into my brain. It was a core memory for me. I was having so much fun, that at the end of our cheer routine, I found myself jumping out of joy.
Ganoon rin ang mga kasamahan ko at nagyakapan pa nga kami sa tuwa.
People applauded us and some even shouted for my name. I have always loved the feeling of the audience's high energy. Na-miss ko nang sobra ito! I thought I'll never experience this again!
"You're so cool, Lana! Ahhh!" Rinig na rinig ang sigaw ni Eloise sa harapan. I laughed and waved at her. May hawak pa siyang banner para sa boyfriend niya at para sa akin. Parehas malaki ang size no'n kaya hindi siya magkandaugaga sa pwesto niya. Pinahawak niya na lang tuloy kay Emma ang isa. Takang taka naman ang pinsan niya kung anong gagawin sa banner.
Ghad, these two! They're so cute!
Si Priscilla naman, kakarating lang. May hawak na mini electric hand fan habang umiinom ng milktea. When she saw me, she just looked briefly then her eyes wandered around the whole place.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Lie (Elite Boys 2)
RomanceMATURED CONTENT (R-18) A rich, self-sabotaging, rebel, has been Kiel's alias for years. And he liked it. He loved that people feared him. It makes him powerful and in control. He could do anything and get away with it just because he's part of the e...
