CHAPTER 5
DESTINED TO HAPPEN
Lana's POV
Cupid must have spent most of his time playing with people.
I'm pretty sure when our eyes met, he took his bow and shot arrows at our hearts.
Because how could you possibly explain what we felt, the first time we saw one another again?
"Wow, bago na ang cellphone niya!" pangaasar ni Felix habang sinasabayan ako maglakad palabas ng classroom. I smiled proudly and showed off my newly bought phone.
"Second hand lang naman ito pero oks na, atleast may magagamit."
Limang buwan ang lumipas mula nang bumigay ng tuluyan ang cellphone ko. Ayaw na talagang bumukas mula nung gabing may nakasalubong ako sa eskenita. Sinubukan kong ipagawa kaso libo rin ang singil kaya nagdesisyon akong magipon na lang muna bago bumili ng bago.
Felix offered to buy me one, but of course, I declined. Hindi ko siya magagawang bayaran dahil sigurado akong mamahalin ang bibilhin niya. Baka iphone pa nga ang ibigay nito, jusko. Mababaon ako sa utang.
"Babe!" Tumigil kaming dalawa sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Paulo sa 'di kalayuan. My mood lightened up at the sight of my boyfriend waving at me. Nakasuot siya ng jersey uniform niya.
"Hi!" bati ko habang hinihintay na makalapit siya sa akin.
Unti-onting napawi ang ngiti ko nang mapansing kasama na naman niya ang girl bestfriend niyang si Jessica.
"Hey Lana!" She greeted.
Kung hindi ko siguro sila kilala, iisipin kong sila ang magjowa. She's always with him wherever he goes.
"Hello," I faked a smile.
Felix leaned into my ear to whisper. "Mauna na 'ko."
"Okay. Bye!" I watched as he walked away.
Pagharap ko sa gawi nila Paulo ay nagulat ako nang halik sa pisngi ang sumalubong sa akin. Agad ko siyang tinulak at tiningnan kung may nakakita ba sa amin. Thankfully, there's no one around.
"Tumigil ka nga, nasa eskwelahan pa tayo!"
"Parang halik sa pisngi lang, e." Sumimangot siya.
"Alam mo namang mahigpit dito. Baka ma-suspend pa tayo, mahirap na."
"Tsss. Minsan na nga lang tayo magkita, pinagbabawalan mo pa ako."
Jess chuckled and hit Paulo's head playfully. "Para kang bata. Intindihin mo nga si Lana. Scholar 'yan, hindi pwedeng madawit sa kahit anong gulo 'yan."
As always, I'd feel bad for being jealous of their friendship. Mabait naman si Jessica.
Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko sila. Ang boyfriend ko nga, hindi nagseselos kay Felix.
"May laro ka?" tanong ko kay Paulo kaya natigilan silang dalawa sa pagtawa.
"Ah oo. Nayaya lang ng mga tropa mag-basketball. Sama ka, babe!" Hinawakan niya ang kamay ko at nagtungo na kami palabas ng gate.
I bit my lower lip and stopped in my tracks. "Gusto ko sanang manuod, pero balak ko sana magpasa ng resume doon sa bagong bukas na flowershop sa bayan. Pansin kong madami silang customers, baka nangangailangan sila ng part timer. Hindi na kasi ako tinatawagan nung water station, feeling ko may nakuha na silang regular employee."
BINABASA MO ANG
Once Upon A Lie (Elite Boys 2)
RomanceMATURED CONTENT (R-18) A rich, self-sabotaging, rebel, has been Kiel's alias for years. And he liked it. He loved that people feared him. It makes him powerful and in control. He could do anything and get away with it just because he's part of the e...