CHAPTER 38
DOWNHILL
Lana's POV
I should have warned you,
I was the worst person you could ever love.
"Okay bub, have fun with Eloise. Goodnight."
I listened to his breathing for a few more seconds before making myself put the call to an end.
Mabigat sa dibdib ko na magsinungaling kay Kiel at palabasing doon ako kila Eloise matutulog ngayong gabi. I was really tempted to inform him that I was on the brink of breaking down but when I heard his voice and how thrilled he was for getting a high score in one of his subjects, I couldn't help but swallow all of my problems and go along with his mood.
Hindi ko magawang sirain ang masayang araw niya. Hindi ko kayang isali siya sa mga hirap na dinadanas ko ngayon. But I know I have to do it eventually because he's my partner in life. He deserves to know the truth.
"Hanggang kailan mo maitatago 'yan? Mauubusan ka rin ng rason kung bakit hindi ka nauwi sa apartment niyo, Lana."
I let out a heavy sigh. "Alam ko 'yun Felix, and I'll tell him tomorrow. Kung ngayon ko sasabihin sa kanya na nandito ako sa Ponte Almeria, malamang magda-drive agad 'yon papunta dito. Baka kung ano pang mangyari sa kanya sa daan."
Kung magmaneho pa naman 'yon, akala mo laging nasa racing. I can't endure it if something bad also happens to him.
Huminga nang malalim si Felix at naglakad na kami palabas ng tenement.
"Are you sure you're going to stay here for the night? Doon na lang kayo ni Tita sa hotel. Ako na ang magbabayad."
"Ang dami mo ng naitulong sa akin ngayong araw. Sapat na 'yung mga nagawa mo. You don't need to worry about me and my mom anymore."
"Pero dalawang babae lang kayo dito. Wala ang kuya mo. Baka kung anong mangyari sa inyo."
Tinulak ko na siya papunta sa kotse niya. Umalis kaagad ang mga nakasandal na tambay doon.
"Umuwi ka na. We'll be okay. Hindi naman ako bago dito. Mga katropa ni kuya ang mga tao dito. I'm safe here." Sakto pa at binati ako ng mga tambay kaya natawa na lang ako.
"Sigurado ka talaga? Ayaw mong sumama sa akin?"
"Oo. Sige na, magpahinga ka na sa hotel. It's been a long day."
"Baka pala tanghali o hapon na ako makapunta dito. I'll call our family lawyer tomorrow and meet with him. Tatanungin ko siya kung anong magagawa natin sa kuya mo."
"Salamat ng marami Felix at sorry din dahil nakaladkad pa kita dito."
"Hey, I'm the one who volunteered to be here. Oh, pumasok ka na sa loob. Kitakits bukas."
I pursed my lips and waved goodbye to him before heading inside. I checked Nanay. She's already asleep.
I think I'm starting to understand why she lost her sanity. No'ng bata pa ako, masama ang loob ko sa kanya dahil pakiramdam ko tinakbuhan niya ang obligasyon niya sa aming mga anak niya. Hindi mo pala talaga masisisi ang isang tao kapag nanghina na siya at nawalang ng lakas ng loob.
Not everyone is strong. Not everyone can fight for long.
Kahit ako, na pilit iniraraos ang hirap ng buhay namin sa araw-araw ay nauubos na rin. I am so close to giving up. I can choose to forget about my family and stay with Kiel in Serenaville. Maganda naman kahit papaano ang buhay ko doon lalo na kung kakalimutan ko ang mga obligasyon ko dito. But can I really live with myself knowing that I left the people who loves me?
BINABASA MO ANG
Once Upon A Lie (Elite Boys 2)
RomanceMATURED CONTENT (R-18) A rich, self-sabotaging, rebel, has been Kiel's alias for years. And he liked it. He loved that people feared him. It makes him powerful and in control. He could do anything and get away with it just because he's part of the e...