59

15 0 0
                                    

Okay... This is so awkward... Nakaupo lang siya sa tabi ko at nakatingin kung saan ako nakatingin, meaning sa dagat. Magkaparehas kami ng upo, nakahawak sa tuhod. Nakangiti siya, sinong nginingitian niya? Hay.

Tapos dahan dahan ko siyang sinisilip kasi di ko na kaya, gusto ko na magsalita para di na ganito. Di ko alam gagawin ko. Pero babae ako. Dapat siya mauna. Ano ba bwiset naman eh.

Bakit ba kasi tumabi pa sakin si Matthew? At bakit hindi siya nagsasalita? Nasan na yung girlfriend niya? Ang dami kong tanong sa sarili ko.

I guess tulog na yung iba kasi parang kami nalang tao dito eh.

Tumingin ako sakanya, hanggang sa mapatingin siya sakin. Nginitian niya lang ako tapos tumingin ulit siya sa dagat. Weird ah. Okay magsasalita nako. Ehem!

"They're sorry.." Bigla siyang nagsalita, inunahan niya pa din ako.

Hindi ako tumitingin sakanya, "I know." Sagot ko.

"Katuwaan lang naman yun, Joie." Sabi niya. Holy shit, really? Joie tinawag niya sakin? Napatingin ako sakanya. At hinihintay kong tingnan niya din ako.

Pero hindi siya tumingin kaya nagsalita ako, "Uh, katuwaan? So kami yung pagkakatuwaan? Tyler's like my brother tapos ipapagawa nila samin yun."

Natawa siya, "Gross." Sabi niya.

"Huh?" Napatingin ako sakanya.


"Sabi mo he's like your brother, eh mukhang nasarapan ka sa kiss niyo kanina it's more than 5 minutes." Sabi niya, binilang niya? Haay

"Binilang mo?" Tanong ko.

"Oo naman, it's like 10 minutes... Hahaha. Imagine it, you're french kissing your brother..." Sabi niya. Ew!

"Gross!!" Sabay naming sinabi, at natawa kami.

Nagsimula na namang maging awkward between us pagkatapos naming tumawa. Natahimik na naman kami, napatingin ako sakanya pero nakatingin siya sa dagat at nakangiti pa din.

"Why so happy?" Tanong ko.

Matagal siya bago sumagot.

"There's nothing to be sad of." Sabi niya sakin at ngumiti siya sakin.

Ouch.

He's totally happy with her.

"Nasan si Holly?"

"She's sleeping." Tumayo siya, "I gotta go. Pumasok ka na din mamaya, good night Sam."

Ang sakit naman sa puso. Yung talagang may iba na siyang babaeng katabi matulog, may iba na siyang inaalala. Putangina naman. Hindi man lang niya ko binantayan dito or niyaya. Bakit ganun nalang kadali para sakanya lahat ng to? Ginagantihan ba niya ako? Haay. Well, sobrang nasasaktan ako.

Tumayo na ko at pumasok na. Kami ni Tyler yung magkasama sa kwarto eh. Pero sa couch naman siya matutulog ako na lang daw sa bed.

Pag pasok ko gising pa din siya. Nagbabasa siya ng fifty shades of grey. Hahahahaha! Dala ko yung book na yun pero binabasa niya.

"Hoy! Bakla ka ba hahahha." Sabi ko sakanya nung pagpasok ko sa kwarto.

"Nakita ko lang naman dito, na curious ako bakit lahat ng babae gustong gusto nito eh puro sex lang naman pala. Detaile pa talaga! Siguro kumukuha lang kayo ng idea." Sabi niya.

"Hoy hindi ah! Kinikilig kasi ako kay Mr. Grey! Pwede ba."

Binaba niya yung book at lumapit sakin.

EvermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon